"Parehas pala tayo di makatulog eh. Pasensiya na talaga kanina. I guess nadala lang ako ng alak..."
Ngumiti nalang ako sa kanya. Buti naman mas maayos na suot niya ngayon. Amoy bagong ligo eh. Kaysa naman kanina, amoy alak. I'm still enjoying the breeze.
"Lakas naman makasuntok nung kasama niyo. Buti na lang wala na akong lakas nun kundi inupakan ko na din yun."
"Ahhh. Sorry ki Aidan. Minsan talaga inaabutan yun ng kalokohan niya. Baka mamaya mapagalitan pa kami ni Tita Leila. Sorry talaga Kuya."
Ngumiti naman siya. WAAAAA. Relief. Buti na lang. Naku talaga si Aidan!
"Di mo kasalanan yun. By the way, wag mo na akong tawaging Kuya. Sarili ko ngang pinsan di ako tinatawag na Kuya eh. Tsaka, pag may Kuya kasi para naman na ang tanda ko na. Kaya pangalan ko nalang."
"Ahhh. Sige... Sean."
Nagkaroon ng katahimikan. Nakatingin lang kaming dalawa sa paligid. Ang gaganda talaga ng mga ilaw pag gabi! Sinasabayan pa ng mga bituin. Sayang tulog na si Carmi. Alam ko magugustuhan niya din---
"Ba't ba parang over protective yung Aidan na yun sayo?"
Biglang naputol mga iniisip ko ng biglang nagsalita si Sean.
"Ummm, boyrfriend mo ba yun?"
KYAAAAAAAAH! Ba't ganto tanong nito?!
"Hindi ah! Siguro may tama ka pa ng alak kasi kung ano ano tinatanong mo eh."
"Pero seryoso, boyfriend mo ba siya? Para kasing papatayin ako nun pag lumapit ako sayo. Problema ba nun?"
"Ahh. Nanliligaw yun si Aidan. Ganun talaga yun minsan, over protective. Kahit wala naman---"
"Sorry talaga kanina."
Nag sorry na naman siya. Eh wala naman na kasalanan. Dapat si Aidan nag so-sorry ngayon eh!
"Medyo nakakagulat ka nga lang kanina. Actually, medyo natakot din ako sayo. Pero okay lang---"
"You just reminded me of her. Weird nga eh."
Ngayon pwede ko na siyang matanong kung sino ba yung "her" na tinutukoy niya.
"Her? Girlfriend mo?"
Nag half-smile siya habang nakatingin sa kalawakan. Grabe. Parang ang lalim ng kwento nito. Para ngang nag break sila ng girlfriend niya.
"She was the love of my life. And I realized that when it was too late. Ang tanga ko diba?"
Ang pagsisisi ay laging nasa huli. Masakit nga. Masakit na mawalan ng minamahal. Baka naman kasi may kalokohan 'tong ginawa.
"Ano ba kasing ginawa mo?"
Tumingin siya sakin tas parang nalungkot yung mga mata niya. Aish. Sino ba naman kasi ako para mag tanong diba?
"Sorry. Ahh.. Kalimutan mo nalang yung tanong ko."
Ngumiti siya pero malungkot pa rin yung mga mata niya. Feeling ko tuloy ang sama kong tao.
"Wala..."
"A-ano?"
"Wala akong ginawa kaya nawala siya sakin. Kung meron lang sana, siya yung kasama ko ngayon."
Hindi ako nakasagot. Kita ko ang sakit sa mata niya. Hindi ko maintindihan kung ano ang storya nila pero kung ano man yun, alam kong napakasakit ng naramdaman niya dahil dun.
BINABASA MO ANG
You're My Sudden Metanoia
Teen FictionSa mundong 'to na walang kasiguraduhan, it's either ikaw ang magiging rason kung bakit may mangyayaring di inaasahan sa isang tao, o ikaw ang taong haharap sa di mo inaasahang mangyari. Pero pano kung nasa gitna ka ng dalawang sitwasyon na 'to? Love...