Chapter37 - Here?

40 5 3
                                    


Gabi na at papa-uwi pa lang kami ni Kyle. Nilibre niya pa kasi ako ng dinner eh. Dapat nga ako yung mag treat sa kanya dahil sobrang bait niya sakin pero he insisted.

Ang dami niyang kinuwento sakin. Grabe pala yung travels na ginagawa ng family niya. Napatanong tuloy ako kung nasaan sila Tita Ana at Tito Jun, parents ni Kyle. May ginagawang business trip pa daw sila Tito kaya napag-isip isip nila na dito na lang si Kyle sa Pilipinas dahil mas sigurado sila dito. Tsaka, sabi sakin ni Kyle open naman daw yung parents niya sa paglipat niya ulit dito.

Tuwang tuwa nga din ako dahil sa WEST Wing na din si Kyle papasok. Para may kasama siya which is ako at since si mama mismo ang nag recommend ki Tita kung saan pwede mag-aral si Kyle, talagang di na naghanap ng iba pang school sila Tita.

Pano ko nalaman? Si Kyle mismo nagsabi sakin na sinabihan nila sila mama na babalik sila dito pero since busy sila Mama at umalis din sila, hindi nila sakin nasabi. Kaya pala bago pa 'to mangyari, parang alam na nila.

Nasa kotse kami ngayon ng biglang tumawag si mama sa cellphone ko.

"Hello Ma?"

"Hello Anak? Kamusta ang araw mo? Kamusta lakad niyo ni Kyle?"

Nagulat ako sa tanong ni mama. Pano niya nalaman? Ngumiti naman si Kyle sakin. Siguro sinabi na niya ki mama.

"Umm. Okay naman ma. Kayo kumusta kayo ni Dad?"

"Kyle—K-Kylee?"

Nagulat ako ng biglang umiba yung boses ni mama. Parang si---

"Tita Ana?!"

Napahawak ako sa bibig ko at hindi ko alam kung bakit pero parang kausap ko ngayon yung mama ni Kyle. Natawa naman si Kyle sakin kaya tiningnan ko siya na parang nagtatanong.

Inabot niya naman sakin yung kamay niya kaya binigay ko sa kanya yung cellphone.

"Hello? Mom? Ba't ka nasa kabilang linya?"

Natatawang tanong ni Kyle. So, tama nga ako? Si Tita Ana ang nasa kabilang linya?

"Oh. Kyle. How are you? Kasama ko parents ni Acelynn. We're actually doing this business trip together. It's a long story."

Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako sa narinig ko.

"Me and Ace had a great time mom."

Nakangiting sabi ni Kyle habang nakatingin sakin.

"Kyle, I'll give this phone to your Tita Phoebe. Kakausapin niya si Acelynn. Oh and hi Acelynn dear! I hope to see you real soon. Hindi magpapasaway diyan si Kyle sayo, I'm sure of it. Alagaan niyo ang isa't-isa ah!"

"Sure Tita! Thank you. Ingat po kayo diyan."

Sagot ko sa kanya habang binibigay sakin ni Kyle yung cellphone.

"Anak?"

Ba't ba parang may kailangan na naman akong gawin? Huminga ako ng malamin bago sagutin si mama.

"Yes ma?"

"Habang nasa business trip kami nila Tita Phoebe mo. Kyle will be staying at our house okay? Yung mga gamit niya, may pinadala ng tao si Tita Ana mo dun para ilagay sa bahay. Since super busy pa ang sched nila Tita mo, hindi pa sila nakakahanap ng talagang matitirahan na malapit satin. Since we know them already."

S-sa bahay titira si Kyle?

"I see no problem naman anak diba? Tsaka, it's a great way to do some catching up with Kyle. Lalo na magiging schoolmates na kayo. Ay, si Tita Cath mo nasa bahay na kaso sobrang pagod dahil marami yung nilakad. Nung kausap ko kanina, parang tulog na yung boses eh. Ang tita mo talaga."

Tumingin naman ako ki Kyle at hanggang ngayon, naka ngiti pa rin siya sakin. Napangiti naman ako. It's been a long time since nagkaroon ng ibang tao sa bahay. I guess, I have to make Kyle feel welcome.

"Okay ma. Ingat kayo diyan. Kailan kayo---"

"Nak, the signal's kinda choppy. Tawagan nalang namin kayo. You should rest, okay?"

"Okay ma."

"Bye Tita! Thanks po! Aalagaan ko po 'tong si Ace! Don't worry!"

Pahabol ni Kyle kila mama. Tinapos ko na yung tawag. Hindi ko alam kung bakit pero I just feel like I'm... Aish. Pagod lang yata ako.

Nag text nga sakin si Tita nasa bahay na siya. And mukhang pagod dahil may exhausted na emoji. Bukod dun, may mga texts din si Aidan pero ayoko munang basahin dahil pagod na din ako.

Naging tahimik lang yung natitirang oras sa biyahe. I felt awkward. Naramdaman kong parang gustong magsalita ni Kyle pero di niya natutuloy. I don't blame him. Siguro nagulat din siya kung saan siya titira. I mean, he looks happy but he must feel awkward too right?

Dumating kami sa bahay at pagpasok ko sa pinto, unang sumalubong sakin ang mga maleta na mukhang mga gamit ni Kyle.

Sa pag pasok ko pa sa sala, nagulat ako sa taong nakaupo sa sofa.

Kanina pa ba si Aidan dito?

Tumingin sakin si Aidan mula sa pagkaka-yuko niya at nagulat naman ako dun.

Nakita ni Kyle na may naghihintay at agad siyang lumapit ki Aidan para makipag-kamay.

"Hi bro. I'm Kyle."

Nakangiting sabi niya.

"Aidan."

Simpleng sagot naman ni Aidan. Bakit siya andito? Pakatapos nilang mag kamay, agad tumingin sakin si Aidan na parang ang daming sasabihin at hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Aish. Ba't ba kasi di ko binasa mga texts niya?

Mukhang napansin ni Kyle na gusto akong kausapin ni Aidan. Tumango siya sa akin at mukhang nakita nila Manang Essa na pataas na si Kyle sa guest room kaya tinulungan nila si Kyle sa pag bitbit ng mga gamit niya.

Ngayon, kami na lang na dalawa ni Aidan ang nasa sala at hindi ko alam kung sino sa aming dalawa ang magsisimulang mag salita.

"Kanina ka pa dito?"

Ako na yung unang nagtanong. Ngumiti naman siya ng tipid na ngiti na parang pagod na sa kakahintay. Aish Acelynn. Ba't kailangan mo pang itanong? Halata naman.

"Ano kasi, si Kyle, kababata ko. Kakabalik niya palang galing ibang bansa. Dito daw muna siya titira habang nasa business trip parents namin. Long story actually. Umm, gusto mo kumain? Gabi na---"

"Kumain ka na?"

Diretsong tanong niya sakin. Oh gahd mukhang di pa siya kumakain.

"Nilibre ako ni Kyle eh. Kumain na kami. Ikaw? Baka---"

"Di na. Tiningnan ko lang kung okay ka. Mukhang pagod ka na din. Sige, aalis na 'ko."

Ba't parang ang cold niya? Nag simula na siyang maglakad ng bigla akong nagsalita.

"Actually, kulang pa yung kinain ko. Parang pwede pa---"

"Libre kita?"

Tanong niya sakin. At tumango tango naman ako kahit alam kong busog na 'ko pero worth it naman dahil nakita ko na naman yung ngiti niyang yun. Tinext ko si Tita Cath na aalis muna akong madali. Di nagrereply, mukhang tulog na sa taas.    

You're My Sudden MetanoiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon