For days, the letter I got bothered me and I don't know why. Feeling ko may mali. Feeling ko may kailangan akong gawin pero wala naman akong alam kung pano magsisimula. Maybe someone's just pranking me and I don't think that this is a funny prank.
Na-mention na yung pangalan ni Aidan which means ang nagsulat ng sulat na yun ay malapit lang samin o kaya matagal niya na kami inoobserbahan ni Aidan. Pano niya naman sasabihin na kailangan kong iwasan si Aidan kung hindi niya kami nakikita na mag kasama di 'ba?
Waaaah. Anong gagawin ko. Hindi ko magawang masabi 'to kahit kanino, kahit na mismo ki Carmi dahil pakiramdam ko dumadagdag lang ako sa mga kailangang isipin eh.
Ring ring ring
Agad kong kinuha ang cellphone ko. Ng tiningnan ko kung sino yung tumatawag bigla ko yatang mabibitawan yung cellphone ko.
Si Dad.
Tumatawag sa akin si Dad.
Bihira lang sa akin tumawag si Dad and by bihira ibig kong sabihin siguro mga once a year? Teka hindi ko na nga matandaan kung kailan yung huling pag uusap namin sa telepono eh. Madalas si mama lagi ang kausap ko.
Agad kong sinagot yung tawag at hindi ko maintindihan kung bakit nanginginig yung mga kamay ko. Para bang first time ko palang mag report sa harap ng klase? Yun yung nararamdaman ko ngayon.
"H-hello Dad?"
"Acelynn dear."
Alam kong hindi dapat ako malungkot na si mama yung sumagot sakin o kaya si mama yung tumawag sakin gamit ang phone ni Dad, pero bakit yun yung nararamdaman ko ngayon? Konti lang pero dama ko.
"Ma? Kamusta po?"
"We're okay. Okay ka lang din ba diyan? I have something to tell you."
Hindi ko na sinagot ang tanong ni mama.
"Yes ma? Is everything---"
"Uuwi na kami diyan ng Dad mo next next week!"
Biglang napalitan ng tuwa yung lungkot na naramdaman ko. Kung makikita ko ang sarili ko ngayon sa salamin, sigurado akong ang laki nitong ngiti ko.
"Talaga ma? Babalik na kayo ni Dad?"
"Yes anak. We're close to finishing this business. Don't worry maigsi lang naman ang 2 weeks."
"Waaah. Finally!"
Hindi ko matago ang saya na nararamdaman ko. I miss them. Kahit na madalas busy sila at may kanya-kanya kaming ginagawa, it's good to know that nandiyan ang mga magulang mo para sayo.
"Anak, we're super happy na you've been responsible please hold tight for two more weeks okay? We'll bring you something when we get back."
"Kayo lang ma ni Dad, okay na sa amin nila Tita."
"Plus pasalubong pa pala para ki Tita at Kuya mo. Buti na lang pinaalala mo ako. Okay sige na, I've read your text na you're going to have a 3-day camp at Arcana and when I checked the date-"
"Yes Ma, ngayon po yun. I'm currently packing my things dahil mamaya na kami aalis."
"Galingan niyo okay? Sige anak, titigil na ako sa pagsasalita para matapos na din yung gagawin namin dito ng Dad mo at maka-tapos ka na din diyan. Ingat."
"Ingat din po ma. Ba-bye."
Nasa bus na kami ngayon papuntang Arcana at naka-upo kami base sa posisyon namin sa SSGC. May mga kasama din kami ditong advisers. Bale, limang bus lahat lahat ang galing sa West Wing dahil yung iba, laman ay yung mga players at coaches plus yung cheering squad pa. Full force kami at kita mo talaga sa bawat isa na handa kami para sa laro.
BINABASA MO ANG
You're My Sudden Metanoia
Novela JuvenilSa mundong 'to na walang kasiguraduhan, it's either ikaw ang magiging rason kung bakit may mangyayaring di inaasahan sa isang tao, o ikaw ang taong haharap sa di mo inaasahang mangyari. Pero pano kung nasa gitna ka ng dalawang sitwasyon na 'to? Love...