Nang naglalakad ako papunta sa room nila Carmi, sa malayo, kitang kita mo na agad na ang daming tao sa corridor. Bakit kaya?
“Umiiyak si Carmi.”
“Oh my God Girl, I can’t believe she did this to her.”
“Bestfriends ba talaga sila?”
H-ha? Si Carmi umiiyak?
Si Carmi na masayahin, umiiyak.
Buti nga malalakas ang boses ng mga babaeng maarte dito sa school kaya rinig ko yung sinasabi nila habang naglalakad papalauyo dun.
And the worst part is?
Pinapalibutan siya ng mga tao sa corridor habang umiiyak. A-anong nangyayari?
Tumakbo ako ng tumakbo papunta dun sa kanya. Habang tumatakbo ako, nakita ko yung mga tao na gumilid habang ang lumabas dun sa gitna ng pag gilid nila ay si—si Hej! At kasama niya pa yung isa sa mga maaarteng babae dito sa campus. Isa sa mga kinaiinisan namin dito! Si Nichelle! Tas may dalawang babae na kasali din sa cheerleading team pero di ko masyadong kilala.
Hindi ko alam kung bakit magkasama sila. At bakit naiwan dun si Carmi na umiiyak. Nag away ba sila ni Hej? (O.O)
Nang naka abot ako dun sa lugar kung saan umiiyak si Carmi, medyo nasa malayo na sina Hej. Tatawagin ko sana siya kaso, kailangan ko munang tulungan si Carmi. Ba’t hindi niya dinamayan man lang?!
Sa sobrang daming tao na nakapaligid di ako makadaan! NUBAYAAAN! Umiiyak si bestfriend ko!! (>.<)
“Excuse me po!”
Aray!! Shems ! Natapakan ako ng babae sa paa. HUHUHU. My poor little toes. :3
“Padaan po! Bestfriend ko yan!”
OUCH!T^T Bigla naman akong nasiko ng lalaki sa unahan ko kaya naman napaurong ako. Araaaay! Ano ba yan! Mabuti sana kung tinutulungan nila si Carmi dahil umiiyak pero nakatingin lang sila na parang entertainment ang bestfriend ko!! >.<
“HOY!! TABI DAW!! BINGI BA KAYO?!”
Sisigaw na ako ng napakalas to the max na sigaw ng biglang sumigaw si Kuya na nasa likod ko.
Wait. Hindi Kuya. Si Cedrick lang pala. Mukhang effective naman yung pagsigaw niya dahil gumilid yung mga tao and I think gaya din niya ako na kakadating palang dun.
Nginitian ko si Cedrick at tumakbo ako papunta ki Carmi na basang basa yung damit dahil sa tulo ng luha niya. Di ko lang mashadong makita yung mukha niya dahil bukod sa nakayuko siya, natatakpan nung buhok niya yung mukha niya.
“Carmi? Tara na.”
Tumutulo parin yung luha niya. At hindi ko alam kung bakit. Parang gusto ko na ding umiyak dahil nakakaawa yung itsura ni Carmi. Hindi ako sanay na nakikita siyang ganto at ever since, hindi pa yan umiiyak samin ni Hej most specifically, dito sa school.
“A-acely-lynn?”
“Oo Carms. Si AJ to. Tayo kana. Halika, aayusan kita. :] ”
Bigla akong niyakap ni Carmi. Yung yakap na parang pinaparamdam niya sakin na bestfriends kami. Niyakap ko din siya in return kahit na basa na yung damit ko sa luha niya.
“Sa-salamat AJ. Salamat.”
“Nu ka ba! Bestfriend kaya kita! Andito lang si AJ.” Sabi ko sakanya habang hinihimas himas ko yung likod niya.
Nakaupo kami sa sahig ng corridor ngayon at ang daming taong nakatingin. Tinulungan kami ni Cedrick na makatayo at umalis na kami dun. Sumigaw naman uli si Cedrick sa mga estudyante.
BINABASA MO ANG
You're My Sudden Metanoia
Teen FictionSa mundong 'to na walang kasiguraduhan, it's either ikaw ang magiging rason kung bakit may mangyayaring di inaasahan sa isang tao, o ikaw ang taong haharap sa di mo inaasahang mangyari. Pero pano kung nasa gitna ka ng dalawang sitwasyon na 'to? Love...