Chapter28 - Visitors

44 8 0
                                    

Nasa kwarto ako ngayon habang kausap ko si Mama sa Skype. Grabe miss na miss ko na talaga siya. She still looks beautiful pero hindi ko maiiwasan na mapansin na parang pagod ang mukha niya. Parang hindi siya nakatulog ng isang gabi. Dahil siguro sa inaasikaso nila ni Dad.

"Anak ba't parang pumayat ka? Sigurado ka bang okay ka lang talaga diyan?"

"Okay lang po ako ma. Madami lang talagang ginagawa sa school."

Ngayon ko lang naalala next week na pala yung cosplay tapos pakatapos nun, ang susunod na event ay yung parang camp na kasali ang lahat ng members ng Supreme Student Government Council ng school.

Lahat ng nanalo nung elections ay sasama pati na din ang mga piling students ng school. Hindi ko nga alam kung pano yun pero kita ko na busy talaga si Aidan since siya yung president.

"Anak, we love you so much. Konti na lang makaka-uwi na kami. Please pray na everything will turn out good para mas lalong mapabilis ang pag-uwi namin ng Dad mo."

Nakita kong tumingin siya sa phone niya at para bang lumiwanag ng konti yung mukha niya. Mukha siyang natutuwa.

"Sure ma. I love you both. Ingat kayo lagi---"

"Go down stairs someone is waiting for you. Bye hon! Always make good choices!"

Nagulat naman ako sa sinabi niya at nagtataka. Hindi ko alam kung anoong ibig sabihin nun. Bigla na lang siya ng offline.

Nag shu-shut down pa lang yung laptop ko ng biglang sumigaw si Manang Essa galing sa baba.

"Ma'am! May naghahanap po sainyo!"

Pakatapos nun rinig ko ang hagikhikan sa baba nila Manang. Ano bang meron?

Dali dali akong bumaba at pag dungaw ko sa baba, wala ng katao tao. Akala ko nandito lang sina manang?

"Manang?"

Walang sumagot. Grabe naman na makatago sila agad. Teka ba't kailangan nilang mag tago?

"M-Manan---"

Biglang may mga kamay na nagtakip ng mata ko mula sa likod. Waaaah. Ano bang nangyayari?!

"Hulaan niyo po ma'am kung sino."

Boses ni Manang Essa pero hindi siya yung nagtatakip ng mata ko dahil galing yung boses niya sa gilid hindi sa likod.

Tae. Alam ko na kung sino 'to.

"Aidan tigil na. Hindi na nakakatuwa."

Naka-tayo lang ako. Hindi na ako nagpupumiglas na makawala dahil mahigpit yung pagkakatakip sa mga mata ko pero hindi niya pa rin tinatanggal ang mga kamay niya.

"Naku ma'am ma---"

"Aidan. Ano ba tanggalin mo na. Masakit na sa mata. Dinamay mo pa sina Manang. Ano na naman ba ang plano mo?"

Ngayon naman, hinawakan ko yung mga kamay na nakatakip sa mata ko.

Waaaaaah! Ang lambot. Parang unan, ang kinis pa. Waaah. Ngayon ko lang na realize na parang amoy pang babae yung mga kamay na nakatakip sakin. So, hindi 'to si Aidan? O si Aidan pero nagpapanggap lang na babae para di 'ko agad mahulaan?

"Aidan ikaw ba---"

"Aidan?! Who's he?"

Sabay alis ng mga kamay sa mata ko. Boses babae! Pag talikod ko---

"TITA CATHYYY!"

"ACEEEEEE!"

Sabay yakap naming dalawa na may kasabay na konting talon talon. Nakakatuwa. Waaah! Andito na si Tita Cathhhy!

"WAAAAAAH!"

"WAAAAAH!"

"WAAAAH!"

"WAAAH!"

Hahaha! Nakakatuwa! Pareho kaming excited na exicted na makita ang isa't isa.

"Acccee! My my! You've grown A LOT! Dalagang dalaga ka na!"

"Na-flatter naman ako tita! Ang ganda mo pa din! You look like a model who just got home from a runway show."

"Naku! Nambola pa ang pamangkin ko. Ewan ko sayo! Uy! May hindi ka sakin kinekwento ah! Sino si Aidan? Grabe naman napagkamalan mo akong lalaki."

Kasi naman. Sanay na ako ki Aidan na basta basta na lang susulpot sa paligid at kung may kung ano anong gagawin.

"Ahh. Ehh. Akala ko kasi ikaw si Aidan, pasaway kong kaklase---"

"Manliligaw po ni Ma'am Acelynn!"

ASDFGHJKL. Manaaaaaang! Nakita ni Manang na parang matutunaw na ako sa kinatatayuan ko kaya naman, pumunta na siya sa taas. Aayusin na ata yung guest room kasama yung iba naming katulong.

Tiningnan naman ako ni Tita ng parang halong ayiie at gulat na ekspresiyon. Awkward. Yung lang nasa isip ko ngayon.

"Totoo ba 'tong naririnig ko? Si Acelynn Jaye Harrison, ang nag iisang anak na babae ng mga Harrisons ay may manliligaw?"

"Well, opo tita pero---"

"Teka, legal ba 'to kila Daddy mo? Woah, hindi naman tago yang ligaw ligaw na yan diba? Waaa! We've got a lot of catching up to do!"

"Tita hindi nakwento sainyo ni Mama? Nagulat din nga ako na pumayag si Dad eh. Ewan ko ba."

"Pero di mo naman pinapabayaan pag aaral mo?"

"Of course not! Tita! Ang saya na nandito ka na! Anong plano mo! Waaaa! Ikaw daw muna mag ma-manage ng business ni Ma?"

May kinakalikot si tita sa bag niya. May nilabas siyang maliit na gold and black box.

"Here."

Sabay abot niya sakin na kinuha ko naman.

"Ano to tita---"

"Well it's my pasalubong for you. You know, I think it'll look good on you. I haven't really thought of what to do here except for your mom's business but since I'm here, I really want to travel kaya I'm still gonna be busy."

Pag bukas ko ng box, wow.

Ang ganda. Hindi ko ma-explain kung gano kaganda ng hikaw na nasa box. Silver earings. Hindi dangling. Simply elegant kung baga.

"Wow. Thank you tita. You don't have to---"

"Come on. I know you deserve it. Para each time you wear these pair, you'll always remember your gorgeous tita. Also, bumili din akong iPhone and android cases from abroad. I have to tell you they're all so cute pero you can only choose 5. Pasalubong ko din kasi sa mga kaklase ko dati yung iba. Hahaha."

"Woah! Thankiies!"

This is so awesome! Ang saya naman! Mahilig talaga si Tita mangsorpresa. Kaya naman pala parang tuwang tuwa si Mama kanina. Ngayon alam ko na. Sobrang dami naman ng binili niya. Para namang hindi niya ako nireregaluhan taon taon.

She's really like my long lost sister.

"Ace, CR muna ako ah. Ah! I remembered I still have things at my car. Wait."

Naglakad na si Tita papuntang banyo. Tatawagin ko sana sila Manang para magpatulong sa pagpasok ng gamit ni Tita sa loob pero maleta lang naman yung mga yun, I'm sure I can handle it.

Nilagay ko muna yung bigay sakin ni Tita sa kwarto. Kahit pagbaba ko, hindi pa rin siya tapos mag CR. Kumakanta na nga siya eh! Hahaha! Ganyan talaga si Tita Cath, bawat pag pasok sa CR, kakanta pero maganda naman yung boses niya kaya, walang problema. Mahilig talaga siya mag tagal sa banyo.

Dali dali akong naglakad papunta sa may gate.

Nagtataka ako kasi habang naglalakad ako papunta sa kotse ni Tita, may tao akong nakikita na parang pababa ng kotse niya. May kasama siya?

T-teka.

Totoo ba 'tong nakikita ko?

Bigla na lang nagluha yung mga mata ko. Hindi ako makapaniwala.

B-bakit siya nandito?

You're My Sudden MetanoiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon