And my heart led me exactly to where my heart wants. Kay Aidan.
Hindi ko alam kung bakit nakatayo siya sa gitna ng field. Walang katao-tao. Siya lang. At may hawak siyang banner na nakalagay:
"I miss you so much Shortcake. I'm sorry."
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Halo-halong emosyon. Kita ko sa mga mata niya na marami siyang gustong sabihin. Marami siyang gustong ipaliwanag. Marami siyang gustong bigyang linaw. Pero bakit? Bakit niya 'to ginagawa?
Para saan pa kung nagawa na ang mali at hindi na mauulit ang panahong yun?
Aish. Ano ba yan. Umiiyak nanaman ba ako?
Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang lapitan. Pero bakit may pumipigil sakin na gawin ang gusto ko? Andami ko din na gustong sabihin, andami ko din na gustong tanungin pero kahit isang letra, o kahit isang pangungusap, walang lumabas sa bibig ko.
Aish. Tumutulo na ang mga luha ko... Ugh! Acelynn? Bakit ka umiiyak?!
Papalapit na sa akin si Aidan pero hindi ko alam kung bakit nag lalakad din ako papunta sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nag sasariling gumalaw ang katawan ko. Sabi naman ng utak ko, wag lalapit pero bakit naglalakad din ako papunta sa kanya?
Hindi ko maintindihan...
"Shortcake, I'm sorry."
Pinunasan ni Aidan ang mga luha sa mata ko. Sabay yakap sa 'kin. Nakatingin siya ngayon sa mga mata ko.
God. How I missed to look at his eyes too.
Pero, umiwas ako ng tingin.
"Selosa ka pala Shortcake eh."
Selosa ka pala Shortcake eh.
Selosa ka pala Shortcake eh.
Selosa ka pala Shortcake eh.
Sabay kamot niya ng ulo niya. Aba aba! Akala ko mag so-sorry to tapos ngayon?! Kapal talaga ni Aidan. Aish!
"Selos? Ano?! Hindi ako nag seselos! Akala ko ba nag so-sorry ka? Ganyan ka mag sorry?!"
Yan. Hindi ko na tuloy mapigilan sarili ko. Aish!
"Eh pero---"
"Akala ko ako gusto mo, tas mamaya makikita kita na lang kita na may kahalikan dito mismo sa field na kinatatayuan natin ngayon?! Insulto lang?!"
"T-teka..."
"Kung mag so-sorry ka dahil dun, wag na! Tapos na! Nangyari na! Di mo na yun mababalikan."
"Eh---"
"Eh. Eh. Anong Eh?! Kung may gusto ka nang iba, mag sabi ka lang! Hindi yung makikita na lang kita bigla sa field na may kalokohan na ginagawa. Kay Dara pa? Akala ko may taste ka? Nakakainis ka talaga. Tas ngayon mag so-sorry sorry ka. Wag ka nga---"
"Hep hep hep. Shortcake, hinay hinay. Hinga ka nga. Mauubusan ka ng oxygen eh. Mamaya matumba ka na naman tas ako na naman mag dadala ulit sayo papunta sa hospital. Grabe. Tinakot mo ako nun."
Huh? Na naman? Siya nag dala sakin sa hospital?
Tiningnan ko si Aidan ng parang nagtatakang itsura. Seriously, hindi ko alam pinagsasabi nitong lalaking to.
"Akala ko si Ced---"
"Hindi. Hindi si Cedrick naka-kita sayo nun. Ako nag dala sayo sa hospital noh. Grabe naman. Si Cedrick lang talaga yung naisip mong makakagawa nun sayo?"
"Eh p-pano? Andito ka sa field---"
"Wala. Wala ako dito sa field. Hinahanap kita nun kasi gusto na talaga kitang kausapin. Ikaw kasi, galit na galit ka sakin eh..."
BINABASA MO ANG
You're My Sudden Metanoia
Teen FictionSa mundong 'to na walang kasiguraduhan, it's either ikaw ang magiging rason kung bakit may mangyayaring di inaasahan sa isang tao, o ikaw ang taong haharap sa di mo inaasahang mangyari. Pero pano kung nasa gitna ka ng dalawang sitwasyon na 'to? Love...