"Waaaaa! Talaga Ma?"
"Of course dear. Ako na ang bahala. You'll have it this week. "
"Opo ma. Thank you! Love you ma!"
"Love you to dear. Ingat kayo diyan ah. Sige ba-bye na at aalis na kami ng daddy mo."
"Sure ma. Ingat din po kayo. I miss you!"
Toot toot toot toot
Yes! Tuwang tuwa ako ngayon. Well these past days okay na din talaga kami ni Aidan. Kulitan lang ng kulitan. Masaya sa pakiramdam na wala kang katampuhan. Nung isang araw nga ang kulit kulit ni Aidan...
~ ~ ~ Flashback ~ ~ ~
"Shortcake, pag nag joke ako, nakakapikon ba?"
Tumingin ako sa kanya na parang ewan. Kung ano-ano nanaman kasi ang pinag sasabi eh. Halata naman na nag pipikunan kami. So I answered him sarcastically.
"Hindi Aidan. Hindi ako napipikon sayo. Ang saya mo pramis."
Bigla naman siyang nag pout. Yung pout na parang nag papa-cute at nag fe-feeling bata.
"Sana kung joke ako, mapikon ka sakin."
"Bakit ba?"
Nag tatakang tanong ko sa kanya. Parang ewan talaga 'tong lalaking 'to oh. Tumingin naman siya sakin ng naka pout pa rin pero bigla siyang ngumiti sabay sabing---
"Para seryosohin mo naman ako."
Napangiti naman ako. Kasi ang pupungay ng mga mata niya. Tsaka yung ngiti niyang yun? Hindi ko alam kung bakit pero ang sarap tingnan. Ang saya sa pakiramdam.
"Ayiiiiie. Kinilig ang Shortcake ko. Sabi na nga ba, tatalab yun eh! Hahahaha!"
"Ha. Ha. Ha. Whatever Mr. Lee."
"Haaay nako. Pag pasensiyahan mo na 'ko Shortcake. Nababaliw nanaman ako eh."
"Buti naman alam ---"
"Nababaliw nanaman sayo! BOOOM!"
Waaaa! Ano-ano ba ang pumapasok sa isip nito ni Aidan! Ang kulit! Buti na lang nasa canteen kami. Maraming estudyante ang busy mag kwentuhan kaya naman medyo maingay. Buti na lang konti lang yung nakarinig sa kanya. Nakakahiya kaya!
Tumayo naman ako at nag simulang mag lakad paalis sa canteen. Bukod kasi sa may susunod pa kaming klase, nakakahiya talaga ang mga pinag sasasabi nito ni Aidan! Hahaha!
"Shortcake! Saglit lang! Wag ka nang kiligin sa kagwapuhan ko please!"
Diretso naman tumayo si Aidan, sabay takbo papunta sa 'kin. Napabilis tuloy lakad ko. Kasi naman kung anu-ano pa pinapahabol eh!
Dug dug dug dug
Waaa! Ang lakas ng tibok ng puso ko!
Pag lingon ko ki Aidan, waaa! Malapit na siya sakin---
"Ay!"
Bigla naman akong napasigaw dahil muntik na akong matapilok pataas ng hagdan. Nako talaga Acelynn. Para kang ewan.
Yun tuloy. Naabutan ako ni Aidan.
"Okay ka lang Shortcake?"
Nag aalalang tanong niya. Diretso niya naman tiningnan yung paa ko.
"Okay lang! Ikaw kasi kung anu-ano yung sinasabi mo dun, yun tuloy napa takbo na ako."
"Sorry naman. Ang lampa mo kasi!"
"Huh? Ako ngayon yung sasabihan---"
"Tatakbo ka na lang sa isip ko, nahulog ka pa sa puso ko!"
Asdfghjkl. Okay. Hindi ko alam kung babatukan o babatukan ko talaga 'to si Aidan. Waaa.
BINABASA MO ANG
You're My Sudden Metanoia
Teen FictionSa mundong 'to na walang kasiguraduhan, it's either ikaw ang magiging rason kung bakit may mangyayaring di inaasahan sa isang tao, o ikaw ang taong haharap sa di mo inaasahang mangyari. Pero pano kung nasa gitna ka ng dalawang sitwasyon na 'to? Love...