Chapter23 - You look just like her

45 10 0
                                    


Hindi ako makagalaw. Ba't di ako makagalaw?!

"C-carm---"

"Sino ka? Kaibigan ka ng pinsan ko?"

Bigla naman akong napaharap sa kung sinong naka hawak sa balikat ko. WOOOH. Buti naman tao. Yan kasi ang sinasabi Acelynn na huwag kang masyadong manuod ng mga horror movies. Kaya naman naiimpluwensiyahan ka eh!

"Hmmm? Acelynn Jaye Harrison right? The only daughter. Bestfriend ka ng panget kong pinsan diba?"

I smell... liquor. Uminom ba 'tong pinsan ni Carmi? Eto ata yung sinasabi niyang maldito niyang pinsan?

Napatango-tango naman ako. Hindi na ako nauuhaw. KYAAAA. Nakakatakot kaya minsan yung mga lalaking lasing. May itsura naman 'tong pinsan ni Carmi pero ewan ko ba kung bakit medyo natatakot ako sa kanya. Para kasing umiinom siya dahil sa problema eh. Kita mo naman sa isang tao kung umiinom siya dahil sa problema o dahil sa saya.

"Ahh. Sige, aakyat na ako Kuya?"

Patanong yung Kuya ko kasi hindi ko pa alam pangalan niya. Aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan yung kamay ko! KYAAAAH

"Sean."

"Ahh sige Kuya Sean. Hinahanap na ata ako ni Carmi sa---"

"You---"

Hinawakan niya yung pisngi ko. WAAAAAA. Gusto kong sumigaw pero para naman akong tanga niyan. Eh pinsan 'to ni Carmi!

"You look just like her..."

Binitawan niya na yung pisngi ko pero naka hawak pa rin yung kamay niya sa braso ko. Yumuko siya. Hindi ko alam kung bakit pero yumuko siya.

"Kuya Sean okay ka---"

"Nobody calls me Kuya and no. I'm not Okay. You remind me of her. You look like her. You sound like her. You're like the mini version of her. Why?"

Okay. Ayaw niya magpatawag na Kuya. Siguro kasi kung titingan mo yung mukha niya, parang ka edad lang nanim eh. Matangkad lang siya na tama naman para sa edad niya. Pero isa lang ang alam ko ngayon. Umiiyak siya. Dahil yung boses niya parang nag bre-break. Bakit ba nasasaktan din ako? Parang nararamdaman ko din yung nararamdaman niya?

"Her? Sino---"

Lumapit siya sakin. Parang mga 5 inches nalang ang pagitan ng mukha namin kaya naman amoy na amoy ko yung alak. Yung alak na alam kong ininom niya para makalimot.

"She was the one I fell in love with but I was too dumb. I was a jerk. And ngayon andito ka, ba't kamukha mo----"

Blag!

May biglang sumuntok nalang ki Sean.

"SHORTCAKE ANONG GINAWA NIYA SAYO?!"

WAAAAAAAAAAAAA! Ba't andito sila Aidan at Cedrick?! Kailan pa sila pumasok?

"Aidan! Ba't ka lang biglang nang susuntok?! Walang ginagawa yung tao!"

"Bro, chill ka lang. Nanununtok ka naman bigla eh. Pasaway ka talaga."

Sabi naman ni Cedrick habang tinulungan niya si Sean papunta sa sofa. Knock out ata eh. Tulog na. Siguro sa sobrang lasing din niya.

"Oh?! Anjan na pala kayong dalawa?"

KYAAAAA! Kakababa palang ni Carmi sa hagdan, alam niyang pupunta dito sila Aidan?!

"Carmi plinano mo 'to?"

"Oh Ace, wait lang. Hindi naman talaga kami dapat pupunta dito. Kaso nakaka inggit kaya mga post niyo sa Facebook! Tsaka nag post pa 'tong si Carmi na natatakot daw siya kaya pumunta kami dito."

Nang tumingin ako ki Carmi , tumingin naman siya sa akin na parang "I'm sorry" look. Talaga 'tong dalawa eh!

"Nanonood kami ni AJ ng horror film kaya ako nag post nun! Malay ko bang pupunta yan na dalawa dito? Inosente po akoooo."

"Buti nga pumunta kami dito! Kundi kung ano na yung ginawa ng lalaking yan ki Acelynn, di ko mapapatawad sarili ko."

Naku talaga si Aidan. Aish. Mamaya mapagalitan pa kami nila Tita Leila nito eh! Kumuha naman ako ng ice sa ref at nilagay ko sa mukha ni Sean kung saan ang pula pa dahil sa suntok ni Aidan.

"Anjan na pala si Sean? Let me guess, lasing na naman yang pinsan ko?"

"Sean?! Sino 'to pinsan mo? Pag sabihan mo nga yan na wag niyang hahawakan--- SHORTCAAAKE! Wag mo siyang tulungan!"

Pfft. Hindi na ako sumagot ki Aidan. Susuntok ng tao ng walang dahilan tas ayaw tulungan? Ang kulit. Naiirita tuloy ako.

"Naku bro, parang badtrip na si Acelynn dahil sayo. Uwi na tayo, bago ka pa makabasag ng kung ano."

"Uwi? Anong uuwi? Hindi ako uuwi na nandito yang Sean na yan. San kami matutulog?"

Tanong ni Aidan ki Carmi.

"Ahh.. Ehh. Nag paalam ba kayo sa magulang niyo? Baka mamaya sahutan kami ng kidnapping! Uwi na kayo ni Cedrick!"

"Wala si Tita. May pinuntahan. Kaya kami lang ni Aidan sa bahay tas yung mga katulong. Nakaka boring kaya! San kami matutulog Carmi?"

WAAA! Isa din 'tong si Cedrick eh! Napaka talaga nitong dalawa!

"Aish. Dun kayo sa guest room. Wag kayong gagawa ng gulo dito kundi sisipain ko kayong dalawa papunta sa outer space."

"Yes Ma'am!"

Sabay sabi ng dalawa. Pfft. Kainis.

Binalik ko na yung ice sa ref saka ako nag madaling umakyat papunta sa kwarto nila Carmi. Inunahan ko sila Aidan bago maka akyat. Narinig ko nga si Carmi na nag sabi kila Aidan na lagot sila eh. Pero wala. Gusto ko nang matulog. Maya maya, naramdaman ko nalang si Carmi na tumabi sa higaan.

"Wag ka ng mag alala dun AJ. Ako mismo magpaparusa sa dalawang yun pag gumawa sila ng kalokohan. Goodnight bestfriend."

At natulog na kami...

Or should I say, natulog na siya. KYAAAAAH! Ba't hindi ako makatulog?!

11:25pm

Tumingin nanaman ako sa phone ko. Gabing gabi na ah! Wala naman akong iniisip pero ba't di ako makatulog? Gusto ko ng matulog please? WAAAA.

Kaya siguro hindi ako makatulog kasi sumasagi pa rin sa isip ko yung nangyari kanina. Naalala ko kasi yung sabi ni Carmi na dati daw makulit yung pinsan niya pero parang may nag bago ngayon. Siguro yun yung dahilan kung bakit nag bago siya.

"You look just like her..."

"You look just like her..."

"You look just like her..."

I look like her? Siguro yung girlfriend niya. Broken hearted ata siya eh.

"She was the one I fell in love with but I was too dumb. I was a jerk."

Ano ba kasing ginawa niya? Alam kong hindi ko problema 'to pero nung umiyak siya, parang naramdaman ko din yung sakit eh. Minsan lang umiyak ang mga lalake, kaya pag iniyakan ka niyan, seryoso yan sa pagmamahal niya sayo.

Gaya kanina, nung una ko siyang tiningnan, parang chill lang siya, walang problema... Pero nung nag salita na siya tungkol sa babaeng mahal niya, naramdaman kong totoo yun. Lahat naman ng tao may feelings eh. Kahit gano kagwapo o kalakas ang isang lalake, may kahinaan din yan pag dating sa pag-ibig.

11:38pm

Kaya naman di ako makatulog! Hay nako Acelynn.

Lumabas muna ako sa kwarto ni Carmi at pumunta sa rooftop nila. Lahat na ng tao tulog. Tas ako andito ngayon sa taas. Ineenjoy yung hangin habang tumitingin sa paligid. Ang ganda kaya ng ganitong feeling-

"Sorry about before..."

Narinig kong may nagsalita sa likod ko...

You're My Sudden MetanoiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon