Maaga akong nag pa-alarm para sa araw na 'to. Kailangan pa kasi ng make up at lahat lahat eh, ite-text ko na sana si Aidan na gumising na din kaso mukhang naunahan niya ako dahil 20 minutes ago, nag text pa lang siya sakin. I guess, maaga din siyang nagising.
Gising na shortcake. OHAYOOO! :)
Mukhang may natutunan kang words in Japanese ah.
Magaling tagapag-turo ko eh!
Hindi muna ako nag reply kasi nire-recheck ko yung mga gamit na dadalihin ko sa school.
Maganda pa!
Nag text ulit siya. Talaga naman pag ako yung nag effort ng lahat lahat.
Alam niya na yun.
At alam din ng tinuruan niya na gwapo siya. Sige na shortcake, alam ko mas mahirap at matagal magpa make-up ang mga babae, pero sabihan mo yung mag ma-make-up sayo na kahit light lang ah! Di mo na kasi kailangan eh!
Alam niya na nga yun! Wag ka magpa-late ah! Mag la-last minute practice pa tayong dalawa.
Di ko na lang pinansin yung pag endorse niya sa sarili niya bilang gwapo, hahangin kasi eh.
Tayong dalawa?
Umagang umaga, ang kulit talaga.
Geh bye na. Mag ready na tayo.
Byeeeeeeeee! Watashiwa Shortcake! J
Sobrang excited naman nito sa Japanese na mali mali na yung gamit. Siguraduhin lang niya na kabisado niya sasabihin niya kundi nako! Lagot siya sakin, yun na nga lang gagawin niya eh.
Halos tatlong oras ako nag ready sa bahay bago pumunta sa school, sayang nga eh, akala ko sasama si Tita Cathy pero looks like may utos sila Mama sa kanya at marami siyang kailangan puntahan.
Pero ang mahalaga, andito siya.
Nakasakay na ako sa kotse at nag pra-practice na 'ko ng sasabihin ko ng biglang nag beep yung cellphone ko.
Text galing ki Tita Leila.
Acelynn dear, hindi makaka-cosplay si Carmi. Nag sinat sinat na pero don't worry, pumunta na dito yung family doctor. May konting meds na pinapa-inom sa kanya sabay ang pagpapa hinga. Galingan mo daw sa cosplay. Hindi ko na muna pinahawak ng kahit anong gadget so she'd rest well. I'll call on her teacher na lang. Ciao!
Hindi makakapag cosplay si Carmi?! Pano na si Cedrick?!
Hindi ako makapag hintay na dumating sa school. Woah. Pagkapasok ko pa lang, makukulay na yung guot nilang costumes. Ang kyu-kyut nga tingnan eh.
Dali dali akong pumasok sa klasrum para tingnan kung nakarating na si Aidan pero wala pa rin siya.
T-teka ba't nakatingin sakin halos lahat ng mga kaklase ko? Waaah. May mali ba sa costume ko? Make up ko? Sabihin niyo sakin. Anoooo?
"Wow. Acelynn ikaw ba yan? Para ka talagang anime!"
"Fairy Tail member right? Waaah. Ang cute mo naman!"
"Acelynn, mukhang magiging mahigpit ang kompitisyon ah!"
Ang daming pumuri sakin. Waaah. Nakakahiya. Pulang pula na ako dito eh.
"Ahh... Thank you. Lahat naman tayo naghanda para dito eh."
Habang yung iba, nag re-retouch ng make-up nila, nag madali akong pumunta sa classroom nila Carmi. Wala si Hej at mga alipores niya. Nandun si Cedrick.
BINABASA MO ANG
You're My Sudden Metanoia
Roman pour AdolescentsSa mundong 'to na walang kasiguraduhan, it's either ikaw ang magiging rason kung bakit may mangyayaring di inaasahan sa isang tao, o ikaw ang taong haharap sa di mo inaasahang mangyari. Pero pano kung nasa gitna ka ng dalawang sitwasyon na 'to? Love...