Dumating na ang damit namin ni Aidan na gagamitin para sa cosplay. So proud of my mom. I am not disappointed. Nung sinukat namin ni Aidan yung costumes, it was the perfect fit!
Syempre hindi ko muna pinakita ki Aidan na suot ko yun. Baka pag tawanan ako eh. Pero sinukat niya yung costumes agad agad ng dumating. Kaya naman paka bihis niya, nakita ko kaagad. Excited nga masyado eh!
HAHAHA! Naalala ko tuloy nung una, hiyang hiya siya kasi kita "abs" niya daw. Ako naman 'tong mukhang walang pakialam kasi para namang may abs siya! Meron siya "ab" without "s" kasi isa lang. HAHAHAHA. (Alam kong korni yung joke pero tawa ka na lang)
After ng cosplay namin, sembreak na kami. Kaya naman gustong-gusto ko na talagang matapos 'to! Waaaaa! Excited na 'ko pag sembreak! Kalayaan!
Nag tataka din ako over the last few days kasi kahit skype or chat online hindi si Tita Cathy nag paparamdam. Uuwi pa kaya yun? Miss ko na din magkaroon ng kasama na family member. Pero kaya ko naman.
Whenever I'm sad, Carmi is always there for me. Si Cedrick, si Manang Essa, at lalong-lalo na si Aidan. Sila na yung pangalawang pamilya ko.
Gosh I'm so happy right now!
Pupunta kasi ako sa bahay nila Tita Leila! Yup! Sa bahay nila Carmi! Mag sle-sleep over kasi kami. Sila Tita pa talaga nag paalam sakin kila Mama and buti naman pumayag sila.
*Beep beep*
Tunog galing sa labas. Waaa! Anjan na sila Tita Leila?!
Dali dali naman akong lumabas ng gate. Yay! Andito na nga kotse nila Carmi.
Bumaba naman si Carmi sabay yakap sakin. Si Tita Leila naman, bumaba na din.
"Hello Iha. Nako habang tumatagal talaga lalo ka pang gumaganda. You look like your mom!"
"Thanks Tita! Nakaka flatter naman po. HAHAHA."
"Mommy naman! Eh kaya nga kami mag bestfriend ni AJ eh parehas kaming maganda! Inside and out."
"I know dear. So Acelynn, kunin na natin gamit mo sa loob?"
WAAA. Sobrang bait talaga ng mama ni Carms. Kaya naman close sila ni Mama.
"Umm. Okay lang po Tita. Kami nalang ni Carms kukuha sa loob. Konti lang naman gamit ko eh."
"Oooh. Okay sige. I'll wait for you two in the car then. Wait can I have a word with Manang Essa? Is she here?"
"Oh. Yes Tita. Tawagin ko po."
Dali dali naman kami ni Carmi na pumasok sa loob. Sinabihan ko na din si Manang Essa na pinapatawag siya ni Tita Leila. May bibilinin ata eh.
"Waaaa. Sobrang excited na ako AJ. AS IN. Asan ba mga gamit mo?"
"Eto naaaa. Ako din Carms, excited na. Sobrang enjoy kaya tayo mag sleep over. Dami nating activities. HAHAHAHA."
"And by activities you mean surfing the internet with our gadgets in front of our faces? Nah. I've got better things in mind."
"Charot. Ano bang plano natin?"
"You see, aalis sila mom---"
"HUWAAAAAAAAAT?!"
Wait, wait. So aalis mama nila Carmi? Pero panong pinayagan ako nila Mama eh si Dad di yun papayag na wala kaming guardian. Di ako informed.
"OA naman ng reaksyon mo AJ. 3 days lang naman silang mawawala. May gagawin daw for business din. What is it with our parents and business diba?"
"Eh? Pero pano pumayag sila Dad niyan?"
BINABASA MO ANG
You're My Sudden Metanoia
Ficção AdolescenteSa mundong 'to na walang kasiguraduhan, it's either ikaw ang magiging rason kung bakit may mangyayaring di inaasahan sa isang tao, o ikaw ang taong haharap sa di mo inaasahang mangyari. Pero pano kung nasa gitna ka ng dalawang sitwasyon na 'to? Love...