Chapter31 - James

31 7 0
                                    


Sa susunod na bukas na yung cosplay. Nag fi-finalize na lang kami ngayon sa bahay. Nire-recheck namin kung okay na lahat. Costumes, yung mag ma-make-up samin, yung gagamitin para sa sigil, yung shoes at yung sasabihin namin at by namin ibig kong sabihin ako. Nakaka-stress pero mukhang ako lang naman yung namomroblema dahil itong si Aidan kanina pa gumagamit ng cellphone niya.

"Costumes, check!"

"Mag ma make-up---"

"CHECK CHECK!"

Biglang sabi ni Tita Cathy. Tuwang tuwa siya , for the second time daw kasi makikita niya ako mag cosplay uli.

Ang awkward nga kanina nung pinapakilala ko si Aidan kay Tita kasi si Aidan ba naman biglang sabi na "Ako po pala yung mangliligaw ni Acelynn." Aish. Tiningnan naman ako ni Tita na parang siya-pala-yung-aidan look.

Si Aidan naman tumingin sakin na parang ba't di ko sa kanya sinabi na nandito Tita ko. Hindi ko alam kailangan ko palang sabihin sa kanya.

Ang ganda ng pinapakita ni Aidan, message lang ng message. Sobra.

"Shoes, CHECK!"

"SIGIL, CHECK!"

Nilalakasan ko na talaga yung boses ko, kasi naman si Aidan parang walang pakialam. Si Tita nga kanina pa ako tinitingnan na para bang nagsasabing walang ginagawa si Aidan. Nakakainis tingnan si Aidan.

"GIRL COSPLAYER, CHECK!"

"SHORT SPEECH, WALA PA!"

Wala pa kaming maiksing sasabihin na parang kunwari kami yung mismong characters. Pero sa totoo lang, nakagawa na ako sa papel and medyo na memorize ko na nga yung akin. Pero si yung ki Aidan hindi ko pa siya ginagawan.

Eh ano na lang ang ico-contribute niya? Ako naman nag aasikaso ng lahat eh. Napansin ni Tita na naiirita na ako kaya naman pumunta siya sa kwarto niya na parang ine-excuse yung sarili niya. Alam niya kasing beast mode na ako dito eh.

"BOY COSPLAYER, BUSY PA!"

Hindi pa rin si Aidan tumitingin. Ano ba naman yan. Walang kamuwang-muwang sa mundo. Ano ba kasing pinag-gagagawa niya diyan sa cellphone niya.

Binato ko yung unan sa kanya. Ngayon saka siya napatingin sakin.

"Ah ano po shortca---"

Hindi ko siya pinatapos mag salita. Tumayo ako at lumabas. Kainis. Mabuti pa si Tita nakakatulong eh.

"Shortcake saglit ano---"

"Tumutulong ka Aidan. Sobrang dami mong natulong. Salamat ah. Sige na, tapos na tayo."

Gulat naman yung ekspresyon na ipinakita niya sakin.

"Ano? Eh hindi pa nga tayo, tapos na agad. Nililigawan pa kaya kita."

Nang-iinis niyang sabi. Oo Aidan, nililigawan mo pa lang nga ako tapos wala ka naman na natutulong. Ang galing mo talaga, nakuha mo pang magbiro. Hawak hawak niya pa rin cellphone niya.

"Sorry na. Alam ko naman na naiinis ka sakin dahil nag ce-cellphone ako. Kasi si Secretary minessage ako eh. Pinapapunta daw ako sa school. Kakausapin ako ng advisers."

Bigla naman nag ring yung cellphone niya.

Kung School Goverment ang usapan, dapat kasama ako. Representative din kaya ako ng school! Pero siguro yung mga matataas munang posisyon, president si Aidan eh.

"Aish eto na nga. Tinatawagan na ako. Basta tutulong na lang ako pagkatapos ah. Sorry talaga. See you shortcake!"

At ayun, dali dali na siyang bumaba. Mag papasama pa naman ako sa pag bili ng keys ng character ko. Baka meron sa comic alley. Okay naman na mag isa ako kaso, alam kong mas magiging masaya kung may kasama. Naka-tulog ata si Tita, magpapa-drive na lang ako ki Manong.

You're My Sudden MetanoiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon