Chapter3 - CONFIDENTIAL

314 43 15
                                    

Wala pa si Dad nung dumating ako sa bahay. Kaya agad naman akong nagbihis sa kwarto. Pag bukas ko ng pinto, may nakita akong box na nakapatong sa higaan ko.

Awww :"> Ang cute naman ng dress na to.. Super simple yet elegant. It's a Loganberry Beautiful Dress in Pink. May naka dikit na note sa taas ng box which says:

Here's your dress tonight Hon. Sabay pa kami ni dad mong bumili niyan. I know you like it. Love you :*

                                                                                                                                                                           -Ma

I'm sooo happy for this <3 I know. Mashadong galante naman na family dinner lang eh bibilhan ka na ng dress ng Mama mo pero naiintindihan ko si Mama. :] Alam kong na excite lang yun dahil minsan lang naman talaga kami mag kasabay na ng dinner. Si Kuya, nasa ibang bansa. Si Daddy? Business. Kaya kami lang ni mama ang sabay kumain.

May business din naman si Mama. Online store mga dresses, imported clothing, ganyan ganyan kaya nakakasama ko pa siya kasi okay lang kahit di na siya umalis for that. Feeling ko nga pinili din yun ni Ma dahil iniisip niya ako.

Paka bihis ko, kinuha ko yung necklace na bigay sakin ni Kuya. Yun yung regalo niya sakin bago siya umalis papuntang LA. Since then, wala na akong alam kung nasan na siya. Kahit contact man lang. Alam kong nag uusap sila ni Mama pero kay Mama lang eh.

Habang sinusuot ko yung kwintas, may kumatok sa pinto.

"Miss Acelynn? Kakain na daw po kayo sabi ng Mama mo."

Mukhang anjan na si dad. Narinig ko din yung busina ng kotse kanina eh.

"Opo. Pababa na."

Nang papa-upo palang ako sa kainan, agad akong binati ni Mama. May mga pagkain na sa lamesa. Halatang pinag handaan ni Mama to.

"You look wonderful tonight dear. I knew it would suit you."

Tumango tango naman si Dad habang naka tingin sakin at nakangiti. Wow. It really feels good to be like this again. Like we're a family again.

"Thanks Ma and Dad for buying the Dress."

"So how was your school today anak?" diretsong tanong ni Dad.

"Umm. The usual. Nahirapan lang akong hanapin yung room namin pero okay naman din. Sayang nga eh. Hindi ko na kaklase sila Carmi at Hej."

"So, kumusta mga teachers mo? Okay lang ba? Walang bully na mga classmates and such?" — Mama

"Wala naman Ma. Normal lang. Kagaya ng dati. :] "

"We're expecting a lot from you Acelynn. I know you won't disappoint."- Dad

"Yes dad."

Halatang napansin ni Mama na napre-pressure nanaman ako sa mga sinasabi ni dad dahil medyo bumagal ako habang kumakain. Pagkatapos ng mahabang katahimikan na puros tunog ng plato at kutsara lang ang maririnig mo, nag salita si Mama.

"Ummm, So dear. Tell me."

"Yes Ma?" kinuha ko yung juice, nauhaw na kasi ako eh

"Is there someone in your school who's courtin you?"

Qawsedrftgyhujiko (>///<) Muntik ko nang maluwa yung juice sa bibig ko! (>.<) Ano?! Ba't natanong naman to ni Mama. Baka magalit si Dad sakin. (—W-) But, wala akong magagawa kung hindi sabihin ang totoo dahil baka mamaya may ipasunod nanaman sila sakin na spy gaya nung Elementary ako o kaya may mag sabi na teacher. =_= Malalaman din naman nila . I'll just tell the truth.

You're My Sudden MetanoiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon