Chapter19 - What?

49 9 0
                                    

Sa tulong ni God at ng mga gamot na ininom ko, thankfully, naka labas din ako ng hospital.

Hindi ko nga alam kung pano ko haharapin si Aidan eh. Siguro, iiwasan ko na siya simula ngayon, haaays. Kaya ko ba 'tong gawin?

"Oh? Sure ka nang okay ka at di na masakit yang ulo mo? Baka mamaya, matumba ka lang diyan AJ ah. Okay ka na ba? As in okay?"

Naglalakad kami ni Carmi papunta sa mga classrooms namin. Grabe. Binantayan niya talaga ako sa hospital. Ang itim na tuloy nung kulay sa ilalim ng mata niya. Pinagod ko talaga siya. At kahit anong sabi kong matulog na siya, matigas pa din ang ulo. Haaays. Parehas sila ni Cedrick.

"Okay na. Nainom ko na yung gamot ko and it really made my head feel a lot better."

Nakangiting sabi ko ki Carmi pero, ang mukha niya parang yung ekspresyong hindi naniniwala sa kin. Para namang nag sisinungaling ako.

"Makatingin ka naman sa kin Carmi parang ewan. HAHAHA!"

"Naku! Naku! Naku! AJ AJ AJ. Tsk, tsk, tsk."

"Hala? Three times lang lahat? HAHAHAHA. Bakit kasi? Okay na ako noh!"

Nag shake si Carmi ng head niya from side to side which kinda means, disapproval?

"Bakit Carm---"

"Okay na nga yang ulo mo, eh ito?"

Sabay hawak niya sa... DIBDIB KOOOOO?!

"WAAAH! Carmi! Nubaaaa! Hindi tayo talooooo! HUHUHUHU!"

Nilagay naman ni Carmi yung dalawang palad niya sa mukha niya.

"Ayos ka lang?! Di talaga tayo talo! Nukaba naman AJ! Ang LG mo! Diyan ka na nga! Pfft!"

"Halaaaaaa! Sorry naman! Bakit kasi? May pahawak hawak ka pang nalalaman, eh alam mo namang sensitive yang part ko eh! HUHUHU!"

"Parang yung akin hindi? Ang OA mo! LG mo pa! Di mo talaga gets?"

Hindi ko naman kasi talaga gets! LG na kung LG! Naku naman!

"Tinuturo ko yung puso mo! Gets mo na? Sabi ko, okay nga yung ulo mo, eh pano naman yang puso mo? Handa ka na bang makita si Aidan?"

Ngayon gets ko na. HAHAHAHA! Bakit ba ang LG ko?! HUHUHU!

Pero, handa na nga ba akong makita si Aidan?

Ngumiti na lang ako kay Carmi sabay sabing

"Kakayanin."

Kakayanin kasi kahit mahirap, alam kong magagawa ko to. Tsaka, sino nga naman ba si Aidan sa buhay ko para maging rason ng kalungkutan at pagka inis ko diba? Ni text man lang nga sa kanya nung nasa hospital ako, wala! Wala na nga yung pakialam eh! Tapos ako? Ni hindi maka tulog sa gabi sa kaiisip sa kanya?

Unfair.

Tsaka, para nun, ang babaw niya naman! Sasabihin na ako yung gusto niya tas makikita ko nalang na may iba na pala? Ano 'to? Bolahan lang?!

Nung una, naiintindihan ko pa yung pag iwas iwas niya ng upuan eh, pero nung makita ko siyang may ginagawang kababalaghan dun sa field? Ibang usapan na yun!

Pero...

Di ako dapat nagagalit eh. Di ako dapat nag mamaktol. Di dapat ganto ang nararamdaman ko.

Kasi, wala akong karapatan.

Yun yung masaklap eh. Yun yung masakit. Yun yung sagabal.

Wala akong karapatan.

Pumasok na ako sa classroom at alam kong nasa tabi ng upuan ko si Aidan. Nakikita ko siya sa gilid ng mata ko, pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang tingnan siya. Hindi ko nga alam kung bakit di siya lumipat ng upuan eh. Hindi siya nakipag palit, hindi siya makulit, hindi siya umiimik.

You're My Sudden MetanoiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon