"Wow. Grabe, tandang tanda ko pa lahat ng ala-ala natin dito. Naaalala mo pa ba yun Ace?"
Tanong sakin ni Kyle habang naglilibot yung mata niya.
Nasa bahay na kami ngayon dahil tinawagan ako ni Tita na umuwi daw kaagad. Nung sinabi ko din sa kanya na nandito si Kyle, mukhang alam niya na pupunta si Kyle dito.
Nagulat din ako ng bigla akong tawagan ni mama na pupunta dito si Kyle sa Pilipinas. Alam niya na din.
Kalaro ko siya nung mga bata pa kami pero nung Grade 4 na kami nun, umalis na sila papuntang ibang bansa. Nung una may komunikasyon pa kami pero dahil sa mga kailangan naming gawin sa buhay, nag laho lahat ng komunikasyon namin.
Ako lang ba yung walang alam sa mga nangyayari?
"Syempre naman, hindi ko makakalimutan yun."
Nakangiting sagot ko sa kanya. Natutuwa ako na nakabisita siya samin. Grabe yung pinagbago niya. In a good way though. Mabuti naman kahit na galing siya sa ibang bansa parang yung pakikisama niya sakin hindi pa rin nagbabago.
Siya pa rin yung Kyle na kilala ko. Medyo awkward nga lang kanina sa kotse dahil parang nagtitinginan lang kaming dalawa. Hindi kasi ako maka-paniwala na nandito siya ngayon. Mukhang pumula nga yung mukha ko dahil panay yung titig niya sakin eh. Ang awkward talaga.
T-teka. Bakit siya nakatingin sakin? At ba't ganyan siya maka-tingin?
Unti-unti siyang lumapit sa akin hanggang nasa harap ko na siya at kahit gusto kong gumalaw, ayaw sumunod ng mga paa ko.
"You still have it Acelynn."
Sabay sabi niya na sa sobrang hina ako lang yung naka-rinig.
"Ano---"
"KYLE?!"
Gulat na sabi ni Kuya. Kakapasok niya pa lang.
"Oy! Kuya Aa!"
Sabay apir nilang dalawa. Naalala ko nung bata kami, laging magkakampi 'tong dalawa lalong lalo na sa mga laro. Dahil ako lang yung babae, madalas, nag iisa akong mag laro pero marami din naman kaming beses na naglaro.
"Dumating ka na pala?"
"Oo. Akala ko alam mo?"
"Ah nasabihan palang ako ni Tita Cath. Ako nga yung binilin niya na puntahan kayo dito para tingnan kung okay lang kayo."
Pakasabi nun ni Kuya biglang humarap ulit sakin si Kyle na parang nae-excite na hindi ko maintindihan.
"Ay Ace! Nakuha mo pala yung sulat ko?"
Tumingin naman ako ki Kuya na parang tinatanong siya kung yun yung sulat na sinasabi ni Kyle.
"Yun yun! Nabasa mo na?"
Tanong ulit sakin ni Kyle dahil nakita niya akong tumingin ki Kuya. Tumingin naman ako sa kanya sabay ngiti.
"Ah ikaw yun? Nabasa ko na. Salamat Kyle."
Ngiting ngiti naman siya.
"Uy. Salamat Kuya Aaron ah. Ace wag ka magalit ki Kuya Aaron mo... Ako kasi yung nagsabing wag niya muna sabihin na ako yung nag bigay."
Sabay tingin niya sakin ng parang sorry. Tumingin naman ako ng poker face ki Kuya. Ngumiti naman siya habang nagkakamot ng ulo niya sabay sabing---
"Ahhh sige since okay naman kayo dito, alis muna ako. May kailangan kasi akong lakarin eh. Kung may pupuntahan kayo, text niyo na lang ako baka makahabol ako... Sige! Kita kits!"
At pakatapos nun umalis na siya. Hay nako si Kuya. Aish ang dalawang 'to talaga magka-kuntsaba. Maski nung mga bata kami lagi silang nagkakasundo sa mga bagay na 'to eh.
Tumingin naman ako ki Kyle na naka poker face din.
Ngumiti naman siya.
"Uy! Wag ka na mag tampo!"
Tumingin pa din ako sa mga mata niya na naka-poker face. Habang siya kita kong kinakabahan na.
"Aish! Ace naman! Wag mo akong tingnan ng ganyan. Mas lalo akong nahuhulog eh!"
Nabago naman yung ekspresyon ko sa sinabi niya. Nahuhulog?
Mukhang nakita niya yung ekspresyon ng mukha ko dahil tumawa siya.
"Alam mo, halika may pupuntahan tayo."
Sabay hawak niya sa kamay ko and the next thing I know nakasakay na kami sa kotse papunta sa sinasabi niyang pupuntahan namin. Naiwan ko yung cellphone at wallet ko sa kamamadali niya. Pero mukhang may dala naman siyang cellphone kaya siguro ite-text na lang niya si Kuya.
Medyo matagal yung biyahe dahil na rin sa traffic pero mukhang pamilyar na 'tong daan ah.
Paka-baba na pagka-baba namin. Ngayon alam ko na. Hinding hini ko 'to makakalimutan. Ito yung pinaka-unang lugar na pinuntahan namin ni Aidan na magkasama.
Dito niya ako unang hinarana at dito ko unang nakita kung gano ka magical lahat ng yun. Yung buhok niya habang sumasabay sa hangin, yung mata niyang mahuhulog ka sa tingin at yung ngiti niyang parang walang magiging problema bukas.
Why am I even thinking about him?
"Chenen! Andito na tayo Ace! Di ka pa nakapunta dito noh? Kita lahat! Ang ganda pa ng view."
Tumingin naman ako ki Kyle na tuwang tuwa pero hindi ko mapigilang tumawa.
"T-teka ba't ka tumatawa?"
Tanong niya sakin.
"Hindi pa rin nagbago yung cottage."
Sabay tingin ko dun sa cottage kung saan 'umihi' kuno si Aidan. Napangiti na lang ako ng maalala ko ulit yung panghaharanan niya.
Mukhang nagulat naman si Kyle sa sagot ko.
"Naka-punta ka na dito?"
Tumango tango naman ako. Bigla namang naging malungkot yung ekspresyon ng mukha niya.
"Pero I'm sure first time mo dito? Enjoy na lang natin! Ang ganda kaya ng view."
Sabi ko sa kanya para di siya magmukmok. Eh ano naman kung nakapunta na ako dito? Ang ganda kayang balik-balikan ng lugar na 'to.
Ngumiti naman si Kyle sakin and somehow I remembered Aidan again. Aish.
Biglang napa-upo si Kyle sa grass at di kalaunan, ay nahiga na siya habang tumitingin sa langit.
Tumabi naman ako sa kanya. Parang ang lalim naman ng iniisip nito. Tumingin din ako sa langit at kahit papano, nawala ang isip ko sa mga kailangan kong isipin sa school at lahat ng mga nangyayaring kaguluhan sa buhay ko.
Nang tumingin ako ki Kyle naka-tingin na din siya sakin.
Sabay naman kaming ngumiti sa isa't-isa. When was the last time I laid down with him in green grass while pretending to hear the clouds speak as we guess what they were? Mga bata pa kami nun and remembering it makes me feel like ang dami ng taon ang nakalipas.
"Ace what if I tell you I'm gonna stay here?"
Gulat akong tumingin sa kanya. What does he mean?
"Pano---"
"Wow. You look like you're not excited to see me stay here Ace."
Nakangiting sabi niya.
"No. I'm happy Kyle, syempre naman. Pero bakit? Pano yung buhay mo sa ibang bansa?"
"Let's just say that I have priorities Ace."
Sabay tingin niya sakin. Mata sa mata. What does he mean priorities?
"Are you gonna stay here---"
"For good?"
Naunahan niya ako. Tinapos niya yung sasabihin ko. Tumango tango naman ako.
"For good."
Sagot niya ulit.
BINABASA MO ANG
You're My Sudden Metanoia
Fiksi RemajaSa mundong 'to na walang kasiguraduhan, it's either ikaw ang magiging rason kung bakit may mangyayaring di inaasahan sa isang tao, o ikaw ang taong haharap sa di mo inaasahang mangyari. Pero pano kung nasa gitna ka ng dalawang sitwasyon na 'to? Love...