MICH POV -
It's been three months simula ng humingi ako ng space kay Josh. I really didn't mean for him to leave this country pero 'yun ang ginawa niya. Nang umuwi kami galing ng outing doon ko lang nalaman na nasa New York pala siya para magtrabaho. Hindi niya man lang nagawang magpaalam sakin.
Pero paano nga naman siya makakapagpaalam kung pinagtabuyan ko siya? Haynako 'di ko alam kung bakit ako affected sa pag-alis niya. Ang tanga naman kasi niya no'ng gabing 'yun lang naman ako humihingi ng space sa kanya. I mean I just really wanted to breath that night tapos kinabukasan malalaman kong umalis na pala siya ng resort. Mabuti pa kay Ciara nagawa niyang magpaalam pero katulad ko hindi din nito alam kung nasaan ito.
Nang makauwi naman ako ng bahay madalas akong tanungin ng mga magulang niya kung bakit ako hindi sumama sa New York since bakasyon naman. Sinasabi ko na lang na ayaw kong makaistorbo sa trabaho niya kaya hindi ko na siya sinamahan, sinabi ko din na madalas naman kaming nag-uusap sa phone at internet pag katapos ng trabaho niya. But still they were insisting me to follow him, bagong kasal pa naman daw kami tapos magkahiwalay na kami agad. But I really can't go to him, ni-hindi nga niya nagawang magpaalam sakin so meaning ayaw niya kong isama.
Matagal din bago matapos ang pagpupumilit nilang sumunod ako sa New York. Kung hindi pa ko magkaroon ng project at recording sa Valiant baka hanggang ngayon pinapasunod pa din nila ako.
Kasalukuyan akong nasa bahay nila Josh, reunion kasi ng pamilya nila. Ngayon din ang araw ng pag-uwi niya and as usual sa parents ko pa niya nalaman ang balitang 'yun. Nagtaka pa nga ang mga ito kung bakit hindi ko sinundo sa airport si Josh. Sinabi ko na lang na ayaw ni Josh na bumyahe ako ng mag-isa kaya pinauna niya na ako dito. Mukha namang tinanggap ng magulang niya ang paliwanag ko dahil hindi na ito muling nagtanong.
"Hi Ate Mich, nasaan po si kuya Josh?" bati sakin ni Eunice, pinsan ito ni Josh madalas itong sumasama sa Korea noong nagpupunta pa sila Josh saamin, kaya close na kami nito.
"Papunta na din siguro dito 'yun. Galing pa kasi siyang New York" sagot ko rito.
"Nagbakasyon siya doon bakit hindi ka niya sinama? Magkaaway ba kayo? Newly wed pa naman kayo" sunod sunod na tanong nito. Tulad ni Ciara fan din ito ng love team namin ni Josh.
Madalas kasing panoorin nila mommy 'yung mga video namin ni Josh kapag nasa Korea bilang pagre-reminis kaya napapanood din ito ni Eunice.
Pinaliwanag ko naman sa kanya ang ginawa ni Josh doon. Sinabi ko lang sa kanya 'yung mga sinasabi ko sa mommy ko at sa mommy ni Josh.
"Ayan na pala si kuya" naputol ang pag kukwento nito nang makita nito si Josh na papasok sa hall. Agad naman itong nilapitan ng mga magulang niya.
"Finally, you're here kanina pa nandito ang asawa mo" salubong sa kanya nila mommy.
"Oh yeah. I'm sorry, I have to meet with someone first" he said it and as if on cue pumasok ang isang babae.
"Hi Tito, Tita" bati nito sabay beso sa mommy ni Josh. Namukhaan ko naman 'yung babae. Siya 'yung madalas kasama ni Josh sa mall. Kilala pala ito ng mommy niya.
"Oh kamusta? Ang tagal mong nawala! Buti naman sumama ka ngayon" sagot pa ng mommy ni Josh.
"Syempre po hindi ko palalagpasin ang reunion niyo" natutuwang wika nito. "Galing din po kasi akong London, doon po kasi ang last project ko" dagdag pa nito. Kaya pala wala siya noong kasal namin.
"Halika ate Mich puntahan natin sila" aya pa nito sakin at hinila ako papunta sakanila.
"Hi ate Kara, namiss kita" sabi ni Eunice dito at nagbeso pa.
BINABASA MO ANG
It's a LOVE CONTRACT
Romance"Dream plus Money times Married equals LOVE CONTRACT" - 'yan ang equation ng buhay nang dalawang magkababata na may kani-kaniyang mithiin. Si Michaella - na gusto maging isang sikat na singer. Si Joshua - na hindi maiawan ang larong basketball at gu...