Chapter 18 - Start On My Dream

113 1 0
                                    

MICH POV -

Its been a month since we've got married. Naging maayos naman ang pagsasama namin. As in wala talaga kaming pakialam sa isa't isa ni-hindi nga kami nagpapansinan sa bahay.

Mabuti na lang at busy kaming pareho. Busy siya sa opisina at ako naman sa pagpapractice kasama ang buong banda.

So far wala pa kaming naba-violent na rule. Kaya wala pa kaming pinag-uusapan.

Siya na din ang umasikaso sa lahat ng pag-aayos sa bahay maliban sa kwarto ko. 'Di naman ako nabigo sa pag-aayos niya ng bahay. Para nga siyang naghire ng magaling na interior designer! At ang ganda ng mga binili niyang furniture.

By the way, September na ngayon. Bukas na ang simula ng battle of the bands.

Ito ang biggest battle ever dahil i-co-cover siya ng top rated channel ngayon, ang MC Channel.

Weekdays ang palabas nito. Every night. Three weeks battle, every day dalawang banda ang magtatapat - elimination round. At kung sino ang mga mananalo sa bawat araw sila ang maghaharap pagdating ng Friday - weekly finals.

Dahil tatlong Linggo lang ang battle dalawang weekly rounds lang ang magaganap. Per week isa lang ang mananalo.

At 'yung pangatlong week do'n na magsisimula ang totoong 'battle' sa pagitan ng dalawang bandang nanalo sa weekly round.

Kaya naman kailangan masurvive ulit namin 'to. Pag-natalo kami dito wala nang pag-asa! Kahit man lang sa weekly dapat makaabot kami.

Sixteen bands ang maghaharap pero dalawang banda lang ang mabibigayan ng break. Actually isa lang talaga ang uulanin ng biyaya. Pero kung makapasok ka naman sa real battle ok na 'yun. Kasi one week kang maeexpose. Siguro naman makakahakot na ng fans 'yung mapapabilang doon. Five battles din kasi ang gaganapin do'n bago hirangin ang kampiyon.

Pero hindi pa namin alam kung panong laban ang magaganap. Sorpresa pa daw 'yun sabi ng nag-orient samin. But I can really sense that this will be the start on my dream...

"Mich? Nasaan na 'yung form? Pinapapasa na ng organizer 'yun" rinig kong sigaw ni Jerome.

Nandito kasi ako sa banyo ng kuwarto ko. Nasa hotel kami ngayon. Dito tumutuloy ang lahat ng finalist. Pinagsama-sama na kaming lahat para sa briefing na gagawin.

Sagot ng managment ang pagtuloy namin dito. Dito kami pinatuloy para hindi hustle sa oras pag-ipapatawag na ang mga kontestant.

May studio na din dito kaya dito na din kami magpapraktis. 'Yun nga lang kanya kanyang oras, bawal mag-extend at bawal magpareschedul. Kung ano ang assigned time sa inyo doon lang kayo puwede magpraktis. Kanina nagbunutan kami kung anong oras ang practice at panghapon ang nabunot namin.

It's a LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon