Chapter 9 - Love Trick

116 1 0
                                    

MICH POV -

Martes na ngayon kakanta na naman kami. Dahil nga official member na ko ng bandang 'Love-trick' ako na ang tumayong vocalist nila. Si Jerome na dati nilang vocalist ay nasa lead guitarist siya din ang supporting voice ko.

Si Mike na dating nasa puwesto ni Jerome ay keybord na ang hawak ngayon pero minsan gitara pa din dipende sa kung anong kakantahin. Si James nanatiling bassist, at si Daniel nanatiling drummer.

Matagal na ang bandang love trick lahat sila alma mater ang Oak Bridge. At lahat sila varsity ng basketball.

Three years ago nabuo ang bandang Love-trick. Third year college si Jerome at James nun. Fourth year high school naman si Mike at Second year high school naman si Daniel.

Daniel Draine Cortez or Daniel ang pinaka bata sa kanila. Multi-talented na bata. He can sing and dance and play instruments. At matalino pa.

Until now player pa din siya basketball team sa Oak Bridge. Handle siya ni Josh kaya familiar siya sakin noong una, nakita ko na pala siyang nagta-training with the team.

Tahimik lang siya. Pero siya ang madalas asarin dahil siya ang pinakabata. Minsan lang magsalita pero may sense ang mga sinasabi. Masasabi mo din na siya na ang pinakamature sa lahat.

Graduate with honors kahit wala siya sa special class. Sabi kasi sakin sa SC lang pumipili ng mga honor student kaya nagulat daw sila ng makakuha siya ng medal. Siya kasi ang nag top three sa overall ranking ng high school batch noon. First year college na siya ngayon.

Si Mikey Lemuel Sales or Mike he can play any instrument, naturingang chickboy at napatunayan niya 'yun, having different girls in our practice! His very unbelievable!

Tulad ni Daniel kabilang pa din siya hanggang ngayon sa basketball team ng school.

Pinaka pasaway sa lahat! Taong walang problema - iyan turing sa kanya. Siya ang nagunguna lagi sa kalokohan. A typical happy go lucky guy.

Pero kahit makulit 'yan mabait naman siya madali ko nga siyang naging close eh, ang daldal niya kasi. Super! Siya nga ang nagkuwento sakin ng lahat lahat ng alam ko sa banda. Third year college na siya ngayon. 

 

James Abraham Anderson or James he play any kinds of guitar, he can sing and dance at the same time. A typical boy next door.

 

Siya ang boyfriend ni bessie. Mabait siya gusto ko siya para kay Thine. Simula kasi ng maging sila di na nagreklamo sakin si Christine.

Graduate din siya sa music course. First love niya kasi talaga ang music. Kaya heto siya kina-career ang pagiging basist. Nagtayo na nga din siya ng sarili niyang studio. 'Yung pinagpapraktisan namin sa kanya 'yun. Akala ko talag kay Jerome 'yun. At may sarili din ito shop. Nag-i-import siya ng mga musical instrument.

It's a LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon