MICH POV -
Two weeks na lang at kasal na namin. Ang dami nang nagawa. Naging busy din ang lahat para sa paghahanda sa Kasal.
Ang ganda ganda din ng design na ginawa ni Frances. Pinili ko talaga 'yung gown na tumatak sa puso ko. Excited na nga kong suotin 'yun eh. Kung totoong kasal lang 'to natupad na 'yung dream wedding ko. Pero wala eh front act lang ang lahat.
Well totoo naman at legal talaga 'yung kasal, 'yun nga lang hindi bukal sa loob naming pareho.
Next week magpapractice na kami para sa ceremonies. Kompleto na din 'yung mga listahan ng ninong, ninang, brides maid, best man, at kung ano ano pa.
Ngayon na din ang engagement party na sinasabi nila. And as usual, businessman ang mga bisita. You know - richy thingy.
Ang nakalagay lang kasi sa invitation ay isang business party lang 'to. Para lang 'to makauha ng sponsor at makakilala pa ng ibang mga businessman. Para sa merging ng mga companies.
Kapag natapos nang i-announce ang merging ng company. I-a-announce din ang engagement namin.
At dahil nga magiging mag-business partner na si Tito at Dad. Magiging stay in na dito sila Mom and Dad at dito sila titira sa mansion ng mga Trazon dahil pamilya na daw kami ngayon. Tama lang ang decision kong magsolo kami ng bahay ang dami kasi naming magiging bantay. Nasabi na din namin sa kanila na gusto namin lumipat ng bahay kapag kinasal na kami. Pumayag naman sila tungkol dun.
Nagpull out na kasi ang mga Dad namin ng shares nila sa kasalukuyang corporasyon na sinalihan nila at nag-decide sila na maging mag-parter na lang sila dito sa Pilipinas.
Nagsawa na din siguro sa Korea si Dad. At para na din maasikaso na niya ang sariling company namin. Simula kasi nung na-assign siya sa Korea dinadalaw dalaw na lang ni Mom ang mga naiwan namin dito. 'Yung president lang ang nag-aasikaso ng lahat ng assets namin dito, at hindi pa namin ka-anu ano. Kaya minabuti na nila na dumito kami.
Kanina pa nagsisimula ang party. Ang boring lang talaga walang magawa!
Mabuti pa 'yung mokong na 'yun nag-eenjoy! Nandito kasi 'yung mga barkada niya. At kanina pa sila nagkakatuwaan do'n.
Eh ako wala pa 'yung bisita ko! Anim na nga lang sila late pa. Naku naman.
"Baby bakit nakaupo ka lang? Why don't you entertain our visitors" tanong sakin ni Mom.
"I don't know them all Mom" bored na sagot ko.
"Oh come on, I'll introduce you to them" she exclaimed. Nagmadali itong hilahin ako sa mga business man at pinakilala nga ako.
BINABASA MO ANG
It's a LOVE CONTRACT
Romance"Dream plus Money times Married equals LOVE CONTRACT" - 'yan ang equation ng buhay nang dalawang magkababata na may kani-kaniyang mithiin. Si Michaella - na gusto maging isang sikat na singer. Si Joshua - na hindi maiawan ang larong basketball at gu...