MICH POV -
Nandito na kami ngayon sa kotse ni Josh. 'Di ko magawang magsalita at kausapin siya. Naaalala ko pa din kasi 'yung mga nangyari kanina. Hinalikan lang naman ako ng nilalang na 'to! 'Di ko alam kung bakit niya ginawa 'yun at 'di ko din alam kung bakit ako pumayag.
Silence and awkwardness - 'yun ang bumabalot sa kotse niya ngayon.
"So saan ba tayo pupunta?" tanong niya, buti naman nauna na siyang magsalita. Wala kasi akong balak kausapin siya.
Bukod sa kiss. Nahihiya din ako sa inasal ko kaharap nang Marjory na 'yun.
"Ja'n lang sa *insert name of the bar and some direction here*" tinuro ko 'yung direksyon sa kanya.
Hindi naman kami nahirapan marating 'yung lugar dahil nagpupunta daw siya do'n para mag bar hopping pero hindi sa bar na tinutukoy ni Thine. Hinanap namin ni Josh 'yung pangalan ng bar.
Mabilis naman naming nahanap dahil nakita ko kagad si Christine may kasama pa itong lalake. Pinapark ko kaagd sa tabi si Josh at dali dali bumaba sa kotse. Iniwan ko si Josh do'n at tumakbo ako kay Thine. Nagyakap at nagbeso kami bilang batian. Pero tumingin lang naman siya 'agad kay Josh.
"Hi. Ikaw na ba si Joshua? Long time no see. Do you still know me?" sabi ni Thine sa kanya.
"Your must be Christine right? Of course I still know you. Gumaganda ka lalo ah" flirt na pagkakasabi Josh sabay halik sa kamay niya. Ang landi talaga ng lalaking 'to. Hindi na nahiya kasama nang nilalandi niya 'yung boyfriend oh!
"Bolero ka pa din huh" natatawang sabi ni Thine pero halatang kinikilig naman.
"Well it's been a while, totoo nga ang sabi ni Michy that your ex---"
"HEY!!" sigaw ko para awatin si Thine sa sasabihin niya. Base sa sentence nito balak niyang sabihin kay Josh 'yung sinabi ko kanina sa cafe. 'That Josh is extremely hot'. Grabe 'tong babaeng 'to ilalaglag pa 'yung best friend niya.
"Ah --- eh-- nasaan na ba 'yung Kuya mo huh? At saka sino ba 'yang kasama mo?" pag-iiba ko ng topic.
"Ow yeah. Siya nga palya 'yung boyfriend ko si James. And James this is Mich 'yung sinasabi ko sayong bestfriend ko. And this is Josh kababata namin siya ni Kuya" pagpapakilala ni Thine samin. We shook hands.
"Yeah I know him siya ang captain namin sa basketball team no'ng collage" sabi pa ni James bago kamayan si Josh.
"Oh I see. Si Kuya nasa loob sila kasama pa 'yung ibang ka-banda" sabi ni Thine. Bigla namang may lumabas na lalake sa bar.
"James we have a huge problem" hinihingal na sabi no'ng lalaki kay James.
BINABASA MO ANG
It's a LOVE CONTRACT
Romance"Dream plus Money times Married equals LOVE CONTRACT" - 'yan ang equation ng buhay nang dalawang magkababata na may kani-kaniyang mithiin. Si Michaella - na gusto maging isang sikat na singer. Si Joshua - na hindi maiawan ang larong basketball at gu...