MICH POV -
Break day today. Since its Sunday, napagkasunduan ng buong banda na magsimba para magpasalamat dahil sa pagkapasok namin sa real battle.
And when I say, buong banda kasamapatisi Christine, si Frances, at si Ashley.
Enjoy enjoy muna kami ngayong weekend dahil matagal pa din naman bago kami sumabak sa totoong battle. This week pa lang kasi magtatapat ang mga nasa set B. Kaya naman sinusubukan namin magrelax dahil for sure after this day sangkatutak na stress na naman ang aabutin namin sa on going battle. Sa Friday pa namin makikila kung sino ang makakatapat namin sa real battle.
Kahapon pa nagsimula ang break day namin. Kaya naman relax na relax kaming lahat! Ay hindi pala lahat.
Dahil sila Mike at Daniel ay nagpalipatsa Friday and Saturday class. Bago pa man magsimula ang battle of the bands - after the mid-term to be exact - nagpa-reschedule na silang dalawa ng mga subject nila para naman kahit nagaganap ang battle makapasok sila ng school. Three weeks din kasi ito ayaw din naman nilang huminto kaya gumawa sila ng paraan. Buti na lang at may manager kami na anak ng may ari ng school na pinapasukan nila Daniel kaya naayos agad ang schedule nila. 'Yun nga lang kawawa silang dalawa dahil pinagkasya nila ang ten subject sa dalawang araw.
Bilang konsiderasyonn na din sa dalawa nagdecide kaming break day na din ang Sunday! Pati next Sunday.
Ang first mass ang napili naming puntahan. Para mahaba-habang pahinga din ang magawa namin sa hapon.
Nakinig lang kami sa sermon ng pari. Ako naman pinagpasalamat ko 'yung second chance na binigay Niya para sakin.
Matapos ang misa nagpunta kaming lahat sa mall. Tamang pasyal lang kami. A typical barkada bonding tawanan at asaranhabangnaglalakad.
Papasok na sana kami sa isang fast food chain pero may biglang may sumigaw.
"Ui 'yungbandang Love Trick 'yun 'diba?" sigaw ng isang fan girl. Nagtilian naman ang ibang kasama nito ng makilala kami. Umalis ang karamihan ng nasa pila para magpapicture samin.
Dinumog kami ng tao sa loob ng food chain. Todo ngiti at kaway naman ang ginagawa namin. Ang dami din nag-aabot ng papel at ballpen para magpa-autograph. Madami ding pumupuri sakin sa pagkanta ko no'ng Friday at nag-congratulate na din para sa pagkapanalo namin.
Dahil parang hindi nauubos ang tao. At nagkakagulo na din sa loob ng fast food chain. May limang security na ang lumapit samin para maalis na kami sa crowd.
Hawak ni Jerome ang kamay ko para maprotektahan. Naka-alalay naman samin ang mga security hanggan sa makalabas kami. At dinala kami sa lugar na walang tao.
BINABASA MO ANG
It's a LOVE CONTRACT
Romance"Dream plus Money times Married equals LOVE CONTRACT" - 'yan ang equation ng buhay nang dalawang magkababata na may kani-kaniyang mithiin. Si Michaella - na gusto maging isang sikat na singer. Si Joshua - na hindi maiawan ang larong basketball at gu...