MICH POV -
Mahigit isangbuwanna din ang nakakalipas simula ng manalo kami sa battle of the bands ng MG Channel.At isang buwan na ding namamayagpag sa kasikatan ang Love Trick. From mall tours, TV guesting, at kung anu-ano pang mga shows.
Nakapirma na din kami ng kontrata sa Valiant Record. At nagkaroon pa kami ng additional na kontrata sa MG Channel bilang mga talent nila kahit hindi iyon kasama sa prizes ng battle of the bands.
At inulan na din kami ng 'sang damakmak na indorsement, 'yung mga umalok samin ng final week inasikaso na ni Frances ang mga iyon kaya naman naging official indorser na namin sila. Nakagawa na din kami ng mga ilang TV commercials, maging billboards hindi pinatawad. Ang saya talaga ng buhay showbiz. Lalo na kung tinatangkilik ng marami ang musikang binabahagi mo,
Unti-unti ko nang naaabot ang mga pangarap ko. At masasabi ko nang 'dreams do came true'.
SasusunodnaLinggo, or sa sem-break to be exact, gaganapin na ang world tour concert namin. World tour talaga ang gala namin. Excited na nga kaming lahat eh. Pero sa ngayon dito muna kami tutugtog sa school nila Daniel.
Ang Oak Bridge Academy. Dito nag-aaral sila Daniel, Mike, at Frances. Dito din nagtuturo ang magkapatid na Jerome at Christine. At dito din nag-co-coach si Joshua ng basketball team. At ito din ang school na pinasukan ko ng ilang Linggo.
Muntik ko nang ituring 'tong kulangan. Mabuti na lang at hindi ako napako sa pag-aaral dito. Dahil kung hindi, baka sinumpa ko na ang iskwelahan na 'to.
Foundation day ngayon ng school at guest kami sa gaganaping battle of the bands dito sa school na 'to.
Naging champion pala ang Love Trick ng dalawang taon rito kaya lang nang mag-graduate sila Jerome at James hindi na sila nakasali ulit. Exclusively for student of OBA lang kasi ito.
Hindi na din naman kasi naghanap ng ibang myembro si Mike At Daniel dahil masaya na sila sa myembrong meron ang LT.
Kaya naman walang champion na kakalabanin ang mananalo ngayon. Pero may dalawa daw na banda ang maglalaban sa huli para mahirang na kampiyon.
Last day na ngayon ng foundation day nila kaya naman puwede nang makisaya ang mga outsider.
Maaga pa lang nagpunta na kami sa school para makapunta sa kung anu-anong booth na inihanda ng mga college student para sa event na ito.
Full effort ang paggawa ng mga booth. Pinakamaganda na yata ang gawa ng Business Management - maid cafe iyon, at sobrang ganda doon simula sa mga servant hanggang sa decoration Japanese na Japanese ang theme.
Si Frances ang namuno sa booth na iyon. No wonder kung bakit ganoon na lang kaganda ito, na parang may costplay event sa loob ng booth nila.
Pero nakakatuwa din ang booth ng Accountancy dahilpuwede mong kidnapinang crush mo at sapilitansilangitatalisayo.
Mayro'n ding marriage booth, kiss booth, horror house, at iba pa. Napakasaya ng fair nila sayang lang at hindi namin napanood ang play na inihanda ng mga high school student, ginanap kasi iyon kahapon - no'ng second day ng foundation day.
"Ate Mich" naputol ang pagmumuni ko ng marinig ko ang malambing na boses ni Eunice. Pinsan ito ni Josh at third year high school na siya dito sa Oak Bridge. Pinagmamalaki niya sakin na sasali sila ng mga kabanda niya dito,
"Panoorin mo ang performance namin mamaya ah. Huwag kayong umuwi ng maaga ni Kuya Josh" muling paalala nito sakin. Ilang beses na nga ba niya ko pinaalalahanan tungkol dito?
BINABASA MO ANG
It's a LOVE CONTRACT
Romance"Dream plus Money times Married equals LOVE CONTRACT" - 'yan ang equation ng buhay nang dalawang magkababata na may kani-kaniyang mithiin. Si Michaella - na gusto maging isang sikat na singer. Si Joshua - na hindi maiawan ang larong basketball at gu...