JOSH POV -
'Di naman talaga ko nagsisinungaling sa kanya. That was my conclusion after hearing them talking. Oo nga't hindi ko narinig ng buo 'yung usapan pero totoo talaga 'yung tungkol sa merging. Kaya nga magiging busy ako sa buong Linggo dahil ako ang in-assign ni Dad na mag-present sa board tungkol do'n. Dahil sa merging na 'yun nakabuo ako ng ganung conclusion. It make sense naman 'di ba?
Pero mukhang nagalit yata si Michaella sa sinabi ko. At dahil na din sa wala na kong gagawin sa Oak Bridge umuwi na lang ako. Ngayon daw kasi ang uwi ni Dad para na din ayusin ang gagawing merging ng dalawang company.
When I got home, I'm surprise to see him here in the living room. Nasanay kasi ako na lagi siyang nasa study room niya.
"How was life son?" bungad niya sakin. Halata namang nang-aasar lang ang isang to.
"Well I'm fine-" seriously 'yung life 'yung kinamusta niya hindi ikaw Josh. Alam ko naman kung ano ang gusto niyang kamustahin sakin.
For sure alam nito na 'di na ko nakakagimik ngayon kaya siya nagtanong ng ganyan.
"So kailan mo ba papakilala sakin 'yung papakasalan mo? Gusto mo bang ako na ang maghanap para sayo?" tanong pa nito. Alam ko naman kung sino 'yang nasa isip niya eh. Kunwari pa siya alam kong kasabwat ito ni mommy.
Hindi naman ito ang first time na ginawa nila ito. Ginawa din 'to ni mommy kay Kuya. Gumawa siya ng paraan para magkatuluyan si Kuya at ang best friend nito na ngayon ay mag-asawa na din.
"I have my girlfriend Dad but she's not ready to settle down" I said.
"Realy that hard son. Pano yun? But I still wanna meet her what's her name?" he ask. His not buying it! Alam niyang hindi ako tumatagal sa isang babae.
"Si -- M-Mich" nag-aalangan 'kong sabi. But he just smile teasingly - as if he hits the bulls eye.
"Realy? But she has been here for only a week son. Ang bilis naman yata" sabi niya obvious bang sinungaling ako? Well oo naman noh!
Bakit ba kasi sa dami-dami ng pangalan si Mich pa. Puwede namang si... Marjory?
But on the second thought, mabuti na ngang si Mich ang nasabi ko. Mabilis naman akong nakaisip ng istorya dahil naalala ko ang kuwento ni Mich kay Marj noon. Hihiramin ko muna.
"Matagal na kami dad. 'Di naman kami nawalan ng communication. Hindi lang namin masabi sa inyo dahil natatakot si Mich sa Dad niya" pag-imbento ko pa. Tinignan ko muna siya at humugot ng malalim na paghinga.
"Dad high school pa lang kami na ni Mich" sabi ko pa.
BINABASA MO ANG
It's a LOVE CONTRACT
Romance"Dream plus Money times Married equals LOVE CONTRACT" - 'yan ang equation ng buhay nang dalawang magkababata na may kani-kaniyang mithiin. Si Michaella - na gusto maging isang sikat na singer. Si Joshua - na hindi maiawan ang larong basketball at gu...