Chapter 15 - Wedding

123 1 0
                                    

MICH POV -

Ngayon na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang araw ng sintensya ko!

Kasalukuyan akong inaayusan para sa gaganaping kasal. Sa ibang bride ito na ang pinakamasayang araw sa buhay nila. Pero para sakin ito na yata ang pinaka aayawan kong araw.

Matapos akong ayusan pumasok na si Frances sa kuwarto ko. Siya kasi ang magbibihis sakin ngayon. Siya din ang designer ng venue ngayon. For church and reception.

"You look pretty!" bati sakin ni Frances.

"Thank you" sagot ko.

"You know what? Ikaw ang kauna-unahang ginawan ko ng wedding gown. I'm glad that you like my works" sabi nito.

"Ang gaganda kaya ng mga gawa mo" puri ko rito. Totoo naman eh. Lahat kasi ng bagay dito peke! Sana pati 'yung marriage namin fake na lang din. Pero wala eh sila Mom kasi ang umasikaso sa lahat kaya. Tunay na tunay ang kasal.

Iyong gown na nga lang ang nagpapatunay na ikakasal ako ngayong araw. Nang makita ko talaga 'yung mga ginawa niyang gown na excite talaga ko. At hiling ko lang na sana pagkinasal ako sa taong mahal ko siya din ang gumawa ng gown ko.

Pero makikita ko pa kaya siya? Sa tingin ko na kita ko na nga siya. Pero tinaboy ko lang nang hindi ko sinasadya. Kung umamin lang sana siya ng mas maaga. Gusto ko din naman siya eh. Pero wala na tayong magagawa. Nakatakda 'to eh.

Kung siya nga talaga ang true love ko. I know love will find its way.

Binihisan na ko ni Frances. Sinuot niya sakin 'yung gown na siya mismo ang gumawa. Oh my... I'm so pretty!

Isang white ball gown ang style nito. Wala na siyang buntot sa ibaba ayaw ko kasi ng may gano'n.

Just a simple gown will do. Its a tube floral lace on top and a fitted bodice, waistline leading to a very full skirt. And I wear a veil that only exceed my arms.

Ang ganda talaga ng master piece ni Frances. Baka ma-in love na sakin nito si Josh. Asa pa ko!

"Ikakasal na ang anak ko" nagulat ako nang makita ko si Mommy sa tabi ko. Medyo naiiyak iyak pa 'to.

"Mom! Ano bang drama 'yan?" natatawang sabi ko pa

"Natutuwa lang naman ako hindi ko kasi akalain na napapaaga ang realization mo na si Josh ang true love mo. Napaka saya ko anak" sabi niya at niyakap ako. Ano daw napaaga ang realization?

Ang mommy ko talaga pasaway! Pero buti pa siya masaya! Eh ako? After one week ko pa makukuha ang KASIYAHAN ko sa sakripisyong gagawin ko!

It's a LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon