MICH POV -
I don't know how long I've been here. But I'm glad that no one dare to follow me here. At least I have time to think everything through.
And until now, iniisip ko pa din ang karapatan ko. Karapatan ko bang magalit? Karapatan ko ba talagang magtampo?
Karapatan man o hindi, hindi ko din mapipigilan ang damdaming tao ko. Nasaktan ako, pareho nilang sinira ang pangako nila sakin.
Buo ang tiwala ko kay Jerome na itatago niya ang sikreto ko hanggang sa matapos ang gulong 'to. Pero nagkamali ako. Nawala din 'yung relief naramdaman ko kanina, dahil wala na kong sikretong tinatago sa iba. Nangibabaw na lang ang sakit na pinaniniwalaan kong pagtraidor nila dalawa sakin.
Masisisi mo ba ako kung gano'n ang maramdaman ko? That's my deepest secret na nabunyang sa harap ng mga bago kong kaibigan, sa harap ng ibang tao na ngayon ko lang nakilala. Nahihiya ako sa sarili ko, nahihiya ako sa disisyong ginawa ko. Sino ba naman ang gustong ipangalandakan sa iba na nagpakasal ka lang para makasali sa banda. Na nagpakasal ka lang para kilalanin muli ng magulang mo. Sino ba naman ang taong aamin sa gano'ng katangang dahilan?
Pero hindi ko din naman masisi si Jerome, siguro nainip na siya, napipikon na dahil sa mga paratang sa kanya. Siguro nasasaktan ko na siya. Biruin mo ang babaeng mahal niya ay may ibang asawa sino ba ang matutuwa sa gano'n? Idagdag mo pa ang pagtawag sa kanya na kabit? Sino ba naman taong matutuwa kung maparatangan kang kabit?
Naisip ko tuloy, siguro nangyari 'to para ma-rebuke ako. Ipamukha sakin lahat ng kagagahan ko. At parusa na din. Lalo na ang nangingibabaw sa isip ko ay ang mga iniisip nila.
Anong klaseng babae ba ang papatol sa gano'ng dahilan sa kasal? Anong klaseng babae na kaya ang tingin nila sakin? But they don't know the half of the story so bakit nila ko huhusgahan? Pero maiiwasan ko ba na mag-isip sila ng masama? Hindi ko naman kontrolado ang pag-iisip nila.
Ano na kaya ang iniisip ng buong banda? Si James kung una pa lang mababa na ang tingin nito sakin dahil sa pag-entertain ko kay Jerome, ano pa kaya ngayon na alam niya na ang lahat?
At si Ciara, na hindi maitago ang paghanga sa relasyon namin ni Josh. Ano kaya epekto nito ngayon sa kanya? Ayawan niya na kaya ako ngayon?
At ang mga kaibigan nila ni Daniel, isipin kaya nilang cheap ako? Nakakahiya dahil ngayon ko lang sila nakilala. Hindi ko pa man din napapatunayan ang sarili ko sa kanila tapos makakarinig na sila ng karumaldumal na bagay tungkol sakin.
Lahat ng nangyayari ngayon, ay mga bagay na nagpapatunay na maling mali ang ginawa kong pagpapakasal kay Josh. Lubog na lubog na ko, ano pa bang bagay ang magpapamukha sakin bago ako tuluyang umalis sa sitwasyon na 'to?
Kailangan ko na ba talagang iwan si Josh? Pero bakit gano'n? Para kasing ayaw ko pa masaya pa ko sa kung ano mang mayroon kami. Isa pa hindi ko alam kung anong mangyayari samin matapos nito.
Sigurado naman kasing may ilangan na magaganap sa pagitan namin, at ayaw kong mangyari 'yun. I want Josh beside me, I want to stay friends with him. I don't want to lose him.
Ayaw ko siyang mawala, kahit na pinamukha niya kay Jerome na siya ang pinili ko. How dare he said that to him. We both know for a fact that I choose to be his wife because he beg.
Bakit niya sinabi 'yun? Para inisin si Jerome? Bakit ba gano'n na lang kalaki ang galit niya dito?
Why can't I keep them both? Ayaw kong kong iwan si Jerome, siya ang kauna-unahang lalaki ang nagtapat sakin at may naramdaman akong kakaiba na para bang gusto ko na lang siya sagutin agad-agad kung puwede lang. 'Di tulad ng mga lalaking nagtatapat sakin sa Seoul na parang wala lang sakin kahit ilang libong 'i like you' and 'i love you' ang sabihin nila. Iba talaga si Jerome, iba talaga noong si Jerome na ang nagtapat sakin.
BINABASA MO ANG
It's a LOVE CONTRACT
Romance"Dream plus Money times Married equals LOVE CONTRACT" - 'yan ang equation ng buhay nang dalawang magkababata na may kani-kaniyang mithiin. Si Michaella - na gusto maging isang sikat na singer. Si Joshua - na hindi maiawan ang larong basketball at gu...