Chapter 3 - The Idea

139 1 0
                                    

Mich POV -

Isang linggo na din akong nandito sa bahay nila tita Jane. Kakahatid lang namin ni Josh sa Mommy ko at sa Mommy niya sa airport, kahapon.

Dami na din ako nabago sa loob ng kwarto ko. Wala naman akong binago sa design. Pinagawa ko lang sound proof 'yung room ko. Mabilis lang ginawa kasi makapal naman ang dingding ng kwarto ko. nilagyan na lang ng rubber something 'yung sa may ilalim ng pinto at sa ceilling ko para mas kulong na kulong 'yung sounds.

Kaylangan ko nito, kasi gabi ako madalas magpractice ng mga instument. At malakas din ako mag patugtog at gusto ko kulob 'yung music para f na f ang kanta. Para na din 'di ako makaistorbo sa kasama ko sa bahay, nakakahiya naman kay Josh.

Grabeee! Ang boring dito halos walang magawa. Muni muni lang lagi ang ginagawa ko dito dahil wala naman akong kasama. Paulit ulit lang 'yung ginagawa ko. Isang Linngo pa kasi bago magpasukan.

Nakakasama ng loob, tuwing maaalala ko na malapit na ko sa pangarap ko pero tinanggihan ko ang unang step para makamit 'to. Nang hihinayang talga ako.

'Yun lang naman talaga yung pangarap ko eh maging - singer, pero ito yata ang destiny ko ang maging - business women. Kaasar lang!

Walang ibang tao dito bukod sa mga katulong, wala din kasi si Josh nasa school ngayon nagcocoach ng basketball. Kawawang mga varsity may training kahit summer. Oh well the hell I care.

Bago pa ko lamunin ng kabagutan bumaba na ako para manggulo kay Manang Luz sa kusina. Kasundo ko si Manang Luz noon pa. Dati kasi siyang yaya ni Jerome kaya pag naglalaro kaming apat noon siya ang nagbabantay sa amin,

Pagkarating ko sa sala, nagulat ako ng nakita ko si Josh na nakaupo sa sofa. Siya na lang ang pinutahan ko imbis na si Manang Luz baka paalisin lang din naman niya ako do'n.

"Oh akala ko ba may practice ngayon ang team?" usisa ko. Ngayon ko lang kasi nadatnan 'to sa bahay lagi naman itong wala. Kung hindi sa school lagi itong nasa office. Gabi na nga ito kung umuwi lagi.

"Yeah. Pero mamaya pang three 'yun" sagot niya.

Ang cute niya kahit mukang siryoso. Aliw na aliw talaga ako tuwing makikita ko siya.

May hawak siyang mga paper works ang sipag niyang tignan. Para saan kaya 'yung mga 'yun.

"What's that for?" 'di ko mapigilang mang-usisa. Kailangan ko kasi talaga ng makakausap.

"Some paper works from the office" tipid na sagot niya. 

"Wow sipag. Coach na office worker pa" tukso ko rito. Sinusubukan kong humaba pa 'yung usapan.

"Kailangan eh. Alam mo na wala kong allowance ngayon eh" sagot niya na may tono ng panghihinayang. Mukhang wala talaga siyang balak makipag-usap. Ang tamlay niya eh.

It's a LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon