MICH POV -
It's Monday today. Nandito kami sa isang boutique, para magpagawa ng gown at suit for the wedding.
Tinapos ko lang ang isang linggo sa Oak Bridge Acadamy at nag-file na ako ng dropping form.
Ok na ang lahat. Nagkaayos na kami ni Dad pero medyo tampo pa din ako sa kanya.
Nagsorry siya dahil nahahadlangan niya ang pangarap ko. He only wants the best for me. And to keep that best. He needs to keep the company alive. Para sakin din naman daw 'yung ginagawa niyang 'yun.
Kahit nagkaroon na kami ng heart to heart talk. Tuloy pa din ang kasal. Tuwang tuwa ang nga Mommy namin ni Josh sa gaganaping kasal.
Si Mom at si Tita Jane ang nangunguna sa paghanda ng kasal. Halos wala nga kong alam sa mga ginawa nilan plano para sa kasal. Ngayon lang ako magkakaro'n ng participation sa wedding. 'Yun ay ang pagpili ng susuotin kong gown.
Nakausap ko na din ang bandang LoveTrick. Nasabi ko na napagkagaling ko ng New York eh magpapraktis na ako kasama nila. Sa ngayon kasi solo practice pa lang ang ginagawa ko.
Pasok na kami sa audition, nag-audition kami noong nakaraang sabado. Kaya naman worth for sacrifice ang kaligayahan ko. Dahil after the wedding sure na ko na makakanta na ko.
Nagulat din sila ng sinabi ko na magpapakasal na ko. Pero wala na din silang ginawa kung 'di i-congratulate ako.
Tulad ng alam nila Dad 'yun din ang alam ng mga kaibigan namin. Inakala talaga nila na matagal na kaming magkasintahan. Kaya naging masaya naman sila para saamin.
Bukod tanging si Christine lang ang nakakaalam ng totoo. Kaya simula no'ng araw na sinabi ko 'yun sa kanya palagi niya na din akong inaasar.
Tulad ng naunang plano gagawa pa din kami ng kontra ni Josh. Pero hindi pa namin 'yun napag-uusapan ng husto. Kasi busy siya sa gagawin niyang presentation sa board. Kailangan kasi namin talaga no'n para naman alam niya ang limitation niya.
Baka mamaya mao-ver joy siya at gawin niyang career ang pagiging asawa ko.
Ito ang araw ng presentation ni Josh kaya naman matapos nito puwede ko na siyang makausap tungkol sa kontrata na 'yun.
Makalipas pa ang ilan minuto dumating na din ang inaantay namin 'yung may-ari ng store.
Pag-aari ito ng isang sikat na designer na si Madam Chi. Mrs. Chira Fajardo 'yung mom ni Frances - 'yung manager namin.
"Hi. Mrs. Ferrer... I miss you as a client" nakangiting bati nito kay Mom. Sa pagkakaalam ko lumuwas pa ito galing Paris, umuwi lang ito dahil tinawagan ni mom. Personal niya itong pinili dahil ito ang favorite designer niya.
"Yeah. Me too. By the way this is my daughter Michaella. I want you to make her a gorgeous wedding gown" she said excitedly. Grabe parang siya talaga ang ikakasal mas excited pa siya sakin eh.
BINABASA MO ANG
It's a LOVE CONTRACT
Romance"Dream plus Money times Married equals LOVE CONTRACT" - 'yan ang equation ng buhay nang dalawang magkababata na may kani-kaniyang mithiin. Si Michaella - na gusto maging isang sikat na singer. Si Joshua - na hindi maiawan ang larong basketball at gu...