JOSH POV -
Five thirty na. Natapos na din sa wakas ang training. Napagod ako ng husto. Pero okey lang gusto ko naman ang ginagawa ko eh. Isa pa tuwing Martes lang naman ito.
Nagpahinga lang ako saglit sa locker room. After thirty minutes. Naligo na ko sa shower room.
Matapos ako magshower dumiretso na ko sa parking lot at nag-drive pauwi, gusto ko na talaga magpahinga.
Nang makarating ako sa bahay bigla namang nagring yung phone ko. Tumatawag si Gereld - isa sa mga tropa ko.
"Hey" bati ko.
|Where are you? We'll pick you up, We're heading to the *insert a name of a bar here* bar. Wanna hang out?| sabi ni Gerald sa kabilang linya.
"Well sorry but I can't. I had a lot of things to do. Maybe next time" pagdadahilan ko. Hindi kasi nila alam na wala na kong pera ngayon.
|Marjory is looking for you. You can step by if you change your mind. Marjory miss you so much. Huwag ka pakasubsob sa trabaho ah| natatawang kantyaw nito.
"Sira ka talaga. Sige na just have fun" tapos no'n binaba ko na ang phone.
Hirap ng walang pera. 'Di man lang makagimik. I really have to talk to her. Mapapayag ko kaya siya?
Aakyat na sana ako sa room niya para kausapin siya. Pero bigla kong naalala na kasama ko nga pala siya kanina.
"Shit! I forgot all about her! Nasaan na kaya 'yung babaeng 'yun?" sabi ko sa sarili ko.
Pano kung 'di no'n alam pauwi? Patay na! Lagot talaga ako sa Mommy niya. Pano ko papaliwanag na naiiwan ko si Mich at nawawala ang anak niya? Naku naman!
Kumaripas ako ng takbo sa pinto pero pagbukas ko ng pinto. Biglang may lumapat na palad sa mukha ko. Hinawakan ko 'yung pisnging nasampal sakin.
Sh. T ang sakit pakiramdam ko nabura na 'yung mukha ko sa sampal na 'yun. Hinarap ko 'yung babaeng sumampal sakin.
"Ang sakit huh!" bulyaw ko kay Mich. Tama si Mich 'yung babaeng walang habas na sumampal sakin.
"Eh sira ka pala eh! Iniwan mo lang naman ako 'di ba? Nakakainis ka 'di mo man lang ba naisip na baka maligaw ako? Pano kung wala pala kong dalang pera edi 'di ako nakauwi! Nakakainis ka talaga!" sabi niya sabay nagsusuntok sa dibdib ko.
Ano ba 'yan bawas pogi points pa 'yun oh! Ano sasabihin ko dito? 'Di namang puwedeng sabihin na nakalimutan ko siya. Edi lalong nagalit 'to!
BINABASA MO ANG
It's a LOVE CONTRACT
Romance"Dream plus Money times Married equals LOVE CONTRACT" - 'yan ang equation ng buhay nang dalawang magkababata na may kani-kaniyang mithiin. Si Michaella - na gusto maging isang sikat na singer. Si Joshua - na hindi maiawan ang larong basketball at gu...