Chapter 17 - Broken Rules

130 1 0
                                    

MICH POV -

Grabe ang sarap ng tulog ko! Pinakiramdaman ko ang higaan ko dahil parang napakacomportable naman yata. Kagabi lang sikip na sikip ako dito sa cauch huh?

Pagdilat ko nagulat ako nang makita 'kong nasa tabi ko si Josh kaya naman napatili ko 'agad.

"Anong ginagawa ko dito? Bakit tayo magkatabi? Bawal to!" hysterical kong sigaw.

"Ang ingay mo naman kitang natutulog 'yung tao eh!" nai-iritang tugon ni Josh. At nagtakip pa ng unan sa mukha.

"Anong ginawa mo sakin?" tanong ko. Alam kong medyo OA na ko. Pero kasi ang arte din naman niya tulog-tulugan pa siya kunwari. Hinarap niya ko at inalis ang unan sa mukha niya.

"Grabe ka naman magtanong! 'Yung tono mo naman kala mong pinagsamantalahan ka na!" sabi pa niya.

"Pano naman kasi natulog ako sa couch tapos magigising ako sa kama! Anong gusto mong maging reaction ko ma-amaze? Kasi parang magic lang?" sarcastic kong tanong.

"Naawa lang ako sayo halatang 'di ka komportable sa pagtulog mo. Napagod ka pa naman sa pamamasyal kahapon" paliwanag nito.

"Stop acting like you really care! Tss!" pagtataray ko.

Totoo naman eh! If he really care he wont force me to sleep in the coach! And besides he just survive the first night sleeping there. Tapos kagabi nakipag-agawan pa siya sa kama. Gawain ba ng concern at gentleman 'yun?

"Ikaw na nga 'tong inalala ikaw pa 'tong galit?" katwiran nito at tinalikuran na ako.

"Kung talagang concern ka dapat 'di ka na nakipagtalo sakin kagabi! Dapat nagpaka gentleman ka na lang ulit at sa couch ka na lang ulit natulog!" katwiran ko. Tama naman ako 'di ba?

Natouch na nga ako last night dahil sa couch siya natulog. Ang buong akala ko talaga gigisingin niya ko sa kalagitnaan ng pag-tulog ko para lang palipatin sa couch. Kaya nagulat ako paggising ko nasa couch siya.

Sabi ko pa sa sarili ko 'wow! May tinatago pa lang pagka gentleman 'to'.

Pero nung after namin mamasyal kagabi. Aba nakipag bargain pa ang bruho!

"Pinag-bigyan na nga kitang matulog sa kama noon kagabi eh. Kaya dapat lang na ako na ang matulog ngayon sa kama ko" - iyan ang sabi niya sakin kagabi.

Bandang huli ako pa ang nagka-utang na loob sa kanya dahil sa pagpapatulog niya sakin sa kama niya. Ang kapal 'di ba?

Ungentleman - iyan ang new description ko kay Joshua Trazon.

Hindi na din naman ako nakipagtalo pa sa kanya ng husto kasi pagod na pagod na ko sa pamamasyal kaya mas pinili ko na lang na matulog na ko sa couch. Kaysa makipag-bargain pa ko sa kanya. Kahit uncomfortable ako sa tutulugan ko.

It's a LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon