Chapter 7 - His Offer

124 2 0
                                    

MICH POV -

Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng maging part ako ng bandang Love Trick. Ang banda nila Jerome. 

Official member na ko ng banda dahil umayaw na 'yung babaeng dapat sana magiging part ng band nila.

Hindi naman ako nahirapan mag-adjust sa kanila. Dahil si Jerome isa din sa kababata namin ni Josh - na nakalimutan ko ang pangalan. Kapatid siya ni Thine - na best friend ko. Mababait naman din ang ibang mga ka-banda niya.

Warm na warm din ang pagtanggap sakin nung tatlo pa niyang mga kabanda. Sila James, Daniel, at Mike.

Kasalukuyan akong nasa kusina ngayon naghahanda ng makakain. Ito ang lagi kong ginagawa dito. Ang guluhin sa pag-luluto si Manang Luz. Kinukulit ko siya para ako na lang ang magluto.

Wala kasi akong magawa dito sa bahay na 'to. Ito na din ang dahilan kung bakit ka-close ko ang mga katulong dito. Isa pa umiiwas ako kay Josh kaya mas gugustuhin ko pang makipag-close sa mga katulong kaysa sa kanya.

Ito ang unang araw ng pasukan. Papanindigan ko na ang pagpasok sa iskwelahan. At plano kong ilihim muna sa parents ko ang pagba-banda ko. Pinaliwanag ko na 'yun kay Josh.

Pinakiusapan ko siyang ilihim muna kay Dad na nagba-banda na ako. Sapakin ko siya kung hindi eh! Nahiya na din siguro siyang tumangi pano kasi may kasalanan pa siya sakin.

Oh sh. T! Naalala ko naman!

Ayoko na kasing sundin 'yung plano ni Thine. Dahil na rin sa nangyari samin ni Josh.

Oh God! That night.

'Di ko 'yun magawang makalimutan. At lalong 'di ko alam kung bakit ko nagawa ang bagay na 'yun! Sh. T lang! Ang harot ko!

Almost one week has been passed, but my memories are still fresh. Oh my --- I could still remember how he --- Urgh! This is so frustrating!

This thought never failed to make me blush!  

"Magkasing pula na kayo ng kamatis na hinihiwa mo" biglang nagsalita si Josh. Ngiting-ngiti pa itong nakatingin sakin.

Oh My God! Hindi ko manlang namalayan ang pagpasok niya. Kaya nga ba't ayaw ko nang isipin 'yun. Nawala ako sa wisho kapag naaalala ko 'yun. At lalo lang akong naiilang kay Joshua.

"Sasabay ka ba sakin pagpasok?" tanong niya ulit nang hindi ako sumagot.

Ngayon na lang ulit kami nag-usap. Matapos kasi ng formal na pag-uusap namin tungkol sa paglihim sa pagbabanda ko hindi ko na siya kinausap pa ulit.

It's a LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon