MICH POV -
Excited na ko sa gaganaping world tour. Umagang-umaga palang nandito na kami sa isang private plane ito ang gagamitin namin para sa world tour. Inisponsor lang ito ng mga producers ng battle of the bands, sila din kasi ang producers ng world tour namin ngayon. Kasama kasi ito prize na nakuha namin sa battle.
Magsisimula muna kami dito sa Asia papuntang mga west country. Uunahin namin ang Tokyo, Japan. At mas excited pa saamin ang manager namin sa pagpunta doon. Paburitong bansa niya kasi ang Japan, ang lugar kung saan nagmula ang anime. Tumingin na nga siya kung may maaabutan kaming costplay event dahil kung meron daw iiwan niya kami at magsosolo siya ng lakad. Ang supportive niya talagang manager, malalaki na daw kasi kami kaya kaya na namin ang mga sarili namin. Loko talaga 'yung batang 'yun.
"Madaya! Kakatapos lang kahapon ng isang costplay event sa Tokyo! 'Yung susunod ay sa susunod na dalawang Linggo pa! Wala na tapos na ang world tour no'n at pasukan na!" reklamo pa nito.
"Akala mo makakatakas ka sa obligation mo samin ah" biro pa sa kanya ni Daniel, inirapan niya naman ito.
Nagpatuloy ang kulitan ng lahat. Hindi na din masama ang mahigit four hours na byahe namin. No dull moments kung baga. Nang makarating kami sa Tokyo, maraming Filipino at Japanese ang sumalubong samin. Naglalakihan pa ang mga banner at napaka dami ding reporters. Ngiti at kaway lang ang sagot namin sa mga fans.
Hindi magkamayaw sa paghiyaw ang mga fans kung saan-saan na din nanggaling ang mga flash ng camera. Todo naman sa pag-alalay ang mga bouncer na kasama namin. Inabot kami ng ilang minuto bago makasakay sa sundo naming van, ayaw kasi kaming pakawalan ng mga tao. Madami nga ang nag-aabot ng kanilang mga papel pero hindi din naman namin magawang pirmahan dahil sa gitgitan.
Ang van ang maghahatid samin kung saan kami pansamantalang manunuluyan. Mamayang hapon pa naman ang gig namin may oras pa kaming magpahinga. Kasalukuyan na kong nag-aayos ng mga dala kong gamit nang biglang may kumatok sa pinto. Agad ko naman binuksan 'yun para masino. Nagulat ako nang makita kong si Jerome 'yun. Pinapasok ko naman siya agad para wala nang makakita sa kanya.
Madami na kasing nakakahalata na iba ang closeness namin ni Jerome. Kinakatwiran na lang namin na matagal na kaming magkaibigan kaya gano'n kami ka-close. 'Yung iba mukhang naniniwala naman, pero patuloy pa din nila kaming tinutukso sa bawat isa.
"Mich, gusto sana kitang i-invite sa room ko mamaya" invite niya sakin. Sinabi niya bang sa room niya? Siryoso ba siya? Ano naman kayang gagawin namin do'n?
Bigla naman akong kinabahan sa mga naiisip kong puwedeng mangyari. At ang--- sobrang kakaiba ng mga naiisip ko! Shocks! Snap out of it Mich, just say something.
"Huh? Hindi ka ba magpapahinga ngayon? Baka mawalan ng energy para mamaya?" tangi kong nasagot. Ano ka ba naman Mich? Do you really think na gagawin ni Jerome sayo 'yung mga iniisip mo? Umayos ka nga!
"No, I mean after the show can you spend the night with me" he said while looking at the floor. What the hell was that sentence? That really leads my thoughts in something--- dark. Oh darn it nagiging pervert ka na Michaella!
"Eh ano bang gagawin natin do'n?" lakas loob na tanong ko, para na din matigil na ang maduduming iniisip ko. Pero bago niya ko sagutin binigyan niya muna ko ng isang nakakalokong ngiti.
"Its a surprise" he whisper to my ear. Lalo naman akong kinilabutan. Pero bago pa ko makapagreact lumabas na siya ng kwarto ko. What the hell is wrong with him?
And after the long hours of waiting, dumating na din ang oras na hinihintay ng lahat. The time of the concert. Of course bago kami sumabak dito nagpraktis muna kami na late pa nga si Jerome ng dating kanina. Which is very unusual to him. Pero ok lang 'di naman naapektuhan ang praktise namin.
BINABASA MO ANG
It's a LOVE CONTRACT
Romance"Dream plus Money times Married equals LOVE CONTRACT" - 'yan ang equation ng buhay nang dalawang magkababata na may kani-kaniyang mithiin. Si Michaella - na gusto maging isang sikat na singer. Si Joshua - na hindi maiawan ang larong basketball at gu...