Its Started When...
THIRD PERSON POV -
Bata pa lang magkaibigan na si Ella at Jane.
Lagi silang magkasama. Sabay na din silang magdalaga. Sabay din nilang sinagot ang kanilang mga manliligaw noon. At sabay din silang nagpakasal.
Apat silang magkakaibihagan noon - tatlong babae at isang lalaki. Pero silang dalawa ni Jane ang palaging magkasama. Sila kasi ang mag-best friend.
At kahit nagkaroon na sila ng kani-kanyang pamilya hindi pa din nagawang mag-hiwahiwalay ng apat na magkakaibigan..
Nagkatuluyan ang dalawa nilang kaibigan na si Carmen at Jeff. Si Jane naman ay nagpakasal kay Juael at samantalang si Ella naman ay kay Miguel.
Naunang magkaroon ng anak si Jane. Agad din naman 'yun nasundan ng ikalawa niyang anak nang sumunod na taon.
Nang isilang niya ang kanyang ikalawang anak ay siya naman saktong pagdadalang tao ni Ella.
Tuwang tuwa noon si Ella dahil magkakaroon na siya ng isang anak.
Nung malaman nilang babae ang magiging anak ni Ella. Ipanagkasundo na agad ni Jane ang pangalawang niyang anak dito.
Hindi naman tumangi si Ella. Dahil bata pa lang noon sila ay nag-iisip na sila ng paraan kung paano sila maging tunay na magkapamilya. Kaya naisip ng dalawa na ang mga anak nila ang magiging tulay nila para matupad ang munti nilang pangarap...
Kaya naman mga bata pa lamang ang mga ito ay parati na nilang ginagawang magpartner ang kanilang mga anak.
----------*
JANE POV -
Pinaalis ko na 'yung dalawa para naman makapagbonding naman sila. Ang tagal din kasi nilang 'di nagkita.
"Kamusta? Buti napapayag mo si Mich na dito tumira samin" panimula ko
"Ayun ayaw niya kasi mag pakasal kaya pinili niya na mag-aral dito" sagot naman ni Ella
"Naku mahirap 'yan kung ayaw niya mgpakasal. Sigurado ka bang ayaw mo na lang sabihin sa kanya na ipapakasal mo siya dahil sa merging ng company?" Tanong ko. 'Di ba mas madali naman kasi 'yun kesa sa paglapitin pa namin 'yung dalawa. Pano kung matagalan at pumalpak pa? Eh kung kasal na sila edi masmadali pa silang magkalapit no'n.
BINABASA MO ANG
It's a LOVE CONTRACT
Storie d'amore"Dream plus Money times Married equals LOVE CONTRACT" - 'yan ang equation ng buhay nang dalawang magkababata na may kani-kaniyang mithiin. Si Michaella - na gusto maging isang sikat na singer. Si Joshua - na hindi maiawan ang larong basketball at gu...