MICH POV -
"Eh ano ba kasi yang mga rules mo na 'yan?" tanong ni Josh..
"First rule, bawal tayo magsama sa kuwarto at mag tabi sa kama" pahayag ko sa unang rule namin.
"Ang boring mo naman. 'Di naman ako malikot matulog huh?" natatawang sabi niya pa.
"Tse! I don't care! Basta 'di tayo magsi-share. Kadiri kaya!" sagot ko na lang. Wala ko sa mood makipag-asaran sa kanya noh!
"Grabe ka naman kung mandiri! Parang wala pang nang----" I cut him off, kasi alam ko na 'yung sasabihin niya. And aurgh! Is he serious? Sasabihin niya yun?
"Shut up Josh!" I said angrily.
"Alright alright I'm just kidding ok?" sabi niya na nagpipigil ng tawa. Inirapan ko naman siya.
"Continue on your rule already" natatawang sabi pa niya
"Rule number two, bawal kang magdala ng babae sa bahay!" pagpapatuloy ko.
"KJ mo lang talaga. Bakit naman bawal?" tanong niya.
"Malamang bahay ko 'yun! At ayokong mababoy!" I stuck my tongue out. "Kung may gusto kayong gawin ng babae mo, mag-hotel kayo" dagdag ko pa.
"Sus baka ayaw mo lang magselos" natatawang sagot niya. Nakakapikon talaga ang tawa ng mokong na 'to!
"Ewan ko sayo!" pagtataray ko. Ang kapal lang ng mukha! Selos daw? Assuming much?
"Iyong pangatlong rule na, share tayo sa mga gawaing bahay! Pero kanya kanya tayo pagdating sa labahan!" paliwanag ko sa kanya
"Ok 'yun lang pala eh! Puwede naman padala 'yun sa laundry shop eh. Pero astig talaga 'yang mga rules mo huh? Puro house rules" puna niya.
"Wala ka nang paki do'n! At saka ngayon lang kasi ako titira sa bahay ng may kasama kaya naman dapat maging maayos ang lahat baka mamaya gumulo pa buhay ko dahil sayo" sabi ko pa
"Okey. Sabi mo eh" kibit balikat namang sabi nito.
"Ang pinaka mahalaga! NO SEX!" I intended to emphasize the last sentence.
After realizing the rule he burst out laughing.
"Did you really think na magagawa pa natin ulit 'yun? O ganun kamanyak lang talaga ang tingin mo sakin? Ui hindi naman ako gano'n masyado noh!" natatawang katwiran naman nito.
"Ahh.. Basta! Nagkamali na ng isang beses kaya mabuti nang mag-ingat! Ayoko nang maulit 'yung pagkakamaling 'yun noh!" bulyaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
It's a LOVE CONTRACT
Romance"Dream plus Money times Married equals LOVE CONTRACT" - 'yan ang equation ng buhay nang dalawang magkababata na may kani-kaniyang mithiin. Si Michaella - na gusto maging isang sikat na singer. Si Joshua - na hindi maiawan ang larong basketball at gu...