MICH POV -
Ngayong araw na ang weekly finals ng set B. Ngayong araw na din namin makikila ang makakalaban namin sa real battle.
Kaya naman nandito kami sa audience para mapanood ang performance ng mga maglalaban.
And as usual kasama pa din namin manood sila Thine, Frances, at Ashley. Sumama din samin si Josh.
Okay na kami ngayon. Madalas niya kong bisitahin tuwing wala siyang gagawin sa opisina. Hindi na din gano'n kadaling uminit ang ulo niya. He's really weird since he propose our new agreement.
Naging mas calm at mabait na ito sakin. Pero natutuwa ako sa kanya ngayon. Hindi ko na nga siya iniiwasan eh. Palagay na ko sa presensya niya.
Si Jerome naman nagpatuloy sa pangliligaw niya. Madalas niya kong bigyan ng flowers at chocolate nang patago.
Minsan nga inaakala ng iba na kay Josh nanggagaling ang bulaklak na pinapadala sakin sa studio. Pero sure akong kay Jerome 'yun dahil 'yung card ay may nakasulat na Romeo.
Siya daw kasi ang Romeo ko at ako daw ang Juliet niya. Korny man pero kinikilig pa din ako. No'ng minsan ngang dumalaw si Josh kinantyawan siya ni Mike.
"Ang korny mo coach Joshua pa-Romeo-romeo ka pang nalalamanpag-nagbibigay ng bulaklakkay Mich" - iyan ang mga sinabi ni Mike kay Josh. Nagtataka man nakisakay na lang din siya nito. Pero tinaasan niya muna ko ng kilay.
"Ang gaganda talaga nilang lahat!" tuwang-tuwang sabi ni Mike.
Tinutukoy niya 'yung bandang kasalukuyang tumutogtog ngayon. Ang Cannon Melody. Dama ko ang excitement ni Mike habang nanonood all girls band kasi ito.
Napanood ko sila no'ng Wednesday at talagang magagaling sila, magaganda pa.
Apat ang miyembro nila. Si Yvette - ang vocalist ng banda. Napaka powerful talaga ng boses niya. Nakaka-intimidated tuloy.
Si Agatha - ang guitarist. Nerdy type girl but she's really cute. Hindi mo aakalaing powerful siyang tumugtog kapag wala sa stage.
Si Margaret - ang bassist. Fashionista girl. Kikay na kikay ito maging ang gamit niyang bass ay kulay pink.
Si Lizzel - ang drummer. Very cool ang dating. Isang tipikal na Girl Rockstar. Panung muno ng angas ang paglalaro niya sa kanyang Drums.
BINABASA MO ANG
It's a LOVE CONTRACT
Romansa"Dream plus Money times Married equals LOVE CONTRACT" - 'yan ang equation ng buhay nang dalawang magkababata na may kani-kaniyang mithiin. Si Michaella - na gusto maging isang sikat na singer. Si Joshua - na hindi maiawan ang larong basketball at gu...