Chapter 30 - Revelation

42 1 0
                                    

 MICH POV -

Another months have past at bakasyon na naman, Christmas vacation. At naghanda ang barkada ng isang bakasyon. We choose to go, sa resort na pagmamay-ari nila Daniel. Five nights kami dito. Dito na kami magse-celebrate ng Christmas namin.

Kasama ang buong banda, at sila Josh, Thine, Ashley plus ang kapatid at mga kaibigan ni Frances o Ciara - si Francis ang kambal ni Frances, si Sophia ang girlfriend niya. Si Clarissa ang kapatid ni Daniel, si Alex ang boyfriend niya, at si Jeremy na pinsan nila Frances na isa ring artista. Naging malaking barkada outing ang kinalabasan namin.

Si Francis o Cris kung tawagin ni Frances ay nakasama na namin noong nakaraang world tour sumabay siya saamin pauwi pero tahimik siyang lumabas sa private exit noon kasama sila Ash. Kahit sikat siya napaka pribado niyang tao, wala ngang nakaalam na umuwi siya ng Pilipinas at kasabay namin. Dahil nga pagmamay-ari nila Daniel ang resort na ito sinama na nila ang iba pa nilang mga kaibigan para dumami na kami, tutal kilala na din namin sila noong sinilubong nila kami nang umuwi kami galing tour, maliban lang kay Jeremy na ngayon lang namin nakilala.

Kasalukuyan kaming nagbababa ng mga bagaheng dala namin namin. Dala ko ang isang maliit na maleta kung saan nakalagay ang mga personal things ko, magaan lang naman ‘to hindi na din naman ako nagdala ng masyadong maraming gamit dahil plano ko din magshopping dito gamit ang mahiwagang credit card ni Josh. Maya maya pa’y lumapit sakin si Jerome galing na ito sa loob mukang natapos na siyang magpasok ng gamit niya sa loob, nauna kasing dumating ang van na sinasakayan nila.

“Let me help you with that” sabi ni Jerome tukoy niya sa maletang dala ko. Pero bago pa man ako makatanggi, kinuha na agad ni Josh ang maletang dala ko at sa kabilang kamay naman niya ay ang maleta niya.

“I can handle our things” Josh said coldly to Jerome. Nginitian ko na lang si Jerome sending my apology at sumunod kay Josh. We’re a couple after all.

Kinausap lang saglit ni Daniel ang reseption at kami na ang hinarap niya, pinaliwanag niya na magkakasama si Jerome, James at Mike sa isang kuwarto, at siya, si Francis,  Jeremy at Alex ay sa isa kuwarto din samantalang ang maga girls ay magkakasama na lahat, lima lang naman sila. Pero kami ni Josh ay pinagsama na ni Daniel.

“Alam ko namang kailangan ng mag-asawa ng quality time” sabi pa ni Daniel nang ibigay niya samin ang susi ng kuwarto namin. Ngumisi naman si Josh, boys. Hindi din naman ako makaangal dahil hindi naman nila alam ang totoong lagay namin ni Josh kaya nakisakay na lang ako.

Dumiretso na kami sa kani-kaniyang kuwarto para makapagpahinga mahaba-haba din ang binyahe namin kanina, napag-usapan naman namin na magkita na lang kaming lahat sa hapunan mamaya.

“So anong set up natin ngayon dito?” tanong ni Josh nang makarating kami sa sariling kuwarto namin. Ito ang gusto ko sa bagong Josh ngayon, gentleman na siya. Hindi na siya ‘yung taong makikipag-agawan sakin ng mga bagay-bagay, marunong na siyang magbigay, at madalas niya nang hingin ang opinion ko bago magdisisyon. Tulad na lang ngayon, at ginagalang niya din kung ano man ang sasabihin ko.

It's a LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon