Chapter 10 - I'll Take It

104 1 0
                                    

MICH POV -

What is he doing here? Bakit biglaan naman ang pag-uwi niya at pano niya nalaman na nandito ako ngayon?

Nakakaasar at the same time natatakot ako. 

"What are you doing here? I thought your Mom explain to you everything!" parang disappointed na sabi niya. "Come!" he comanded.

Hinila niya ko pababa ng stage. Nagulat ako ng humarang si Josh sa harap namin.

"Your here, you know about this?" tanong ni Dad kay Jerome. Marahang tumango lang si Josh

"We really need to talk" baling sakin ni Dad galit na galit ang mukha nito.

Palakad na sana kami pero biglang inawat kami ni Jerome

"Tito" hinawakan ni Jerome si Dad with a sorry look.

"Jerome, I'm sorry but I need to take her home" kalmadong sagot niya kay Jerome

"Can she just stay for awhile, until the show's over?" tanong ni Jerome kay Dad. Kumunot naman ang noo nito.

"If your Dad allow you to sing in this kind of bar well I don't" sagot ni Dad at tuluyan na kong hinila palabas.

Sumakay kami sa kotse kasama ang Dad ni Josh. Naka-convoy lang naman samin ang kotse ni Josh. Nanatili kaming tatlo na tahimik sa loob. Pero bakas pa din sa mukha ni Dad na galit siya.

Sandali lang ang byahe. Pero pakiramdam ko sobrang tagal namin sa sasakyan. Pagpasok pa lang namin sa bahay sumalubong na 'agad si Mommy.

"What's wrong Miguel?" bungad ni mommy nahalata niya sigurong galit si Daddy

"Iyang anak mo! Akala ko ba pinaliwanag mo na sakanya ang lahat? I saw her singing sa isang pipitsuging bar!" bulyaw ni Dad kay Mom. Wala namang maisagot si Mommy dahil wala siyang alam sa mga nangyayari. 

"Disente naman yung bar na yun Dad" hindi ko na napigilan sumagot na din ako.

"I don't care! Hindi ba ayaw na kita kumanta! Pinag-aaral kita dito Mica!" pasigaw na wika nito.

"Ano bang mapapala mo sa pagkantang 'yan! Wala kang mararating ja'n! Hindi ka uunlad! Anong magagawa ng baryang kikitain mo ja'n?! Kulang pa ba ang perang binibigay ko huh! Sana man lang hindi sa ganung lugar kita nakita Michaella!"

"It's not about the money Dad! Singing is my passion!" pangangatwiran ko

"Passion! Passion, passion! Hanggang saan ka dadalin ng passion na 'yan? Dahil ja'n natututo ka nang sumagot sagot!" bulyaw niya sakin

"And Josh you disappointed me. Binilin ko sayo na bantayan mo si Mica! Sabi kong 'wag mo siya hayaang kumanta kanta! Wala pa siya dito napag-usapan na natin 'yun 'di ba? Bakit nangyari pa din ito?" baling nito kay Josh.

It's a LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon