Chapter 29 - Jealous Husband

78 1 0
                                    

JOSH POV -

Huling araw ng sem break, at ngayon din ang araw ng uwi nila Mich. I really wonder what is she doing now. And knowing that she's with that Jerome making me sick.

I spend my vacation with the varsity team. Nagpatuloy lang ang pag-coach ko sa mga highschool at collage team dahil sa gaganaping game sa intramural sa November. Okey naman ang buong team magagaling naman ang mga players at tulad ng inaasahan sanay pa din sila sa mga training na mahihirap. At ang mga highschool nakakasabay din sa mga college.

At tuwing free time ko naman tumatambay ako sa bahay ni Kara para mang-gulo. And aside on that I'm having a partnership with her. I need a help from an architect like her.

"Nagsasawa na talaga ako sa pagmumuka mo Josue" muli niya namang sinabi ang mga katagang 'yun. Ilang beses niya na ba 'yan sinabi pero hindi ko siya pinapansin.

Binato niya ko ng throw pillow kaya napabangon ako sa pagkakahiga. Ganito lang naman ako lagi sa bahay niya, nakatunganga. Hindi ko nga alam kung bakit ako balik ng balik dito kahit wala akong ginagawa. Ayaw ko din namang sumama kela Gerald pakiramdam ko magkakasala lang ako sa asawa ko kapag sila ang kasama ko.

Nakakatawang isipin pero 'yun talaga ang pakiramdam ko. Simula nang tapusin ko ang kontrata namin pakiramdam ko asawa ko na talaga siya. Lalo na ngayon na hindi na kami nagpapanggap dahil nagiging natural na samin ang mga bagay-bagay.

"Ngayon ang uwi niya mula sa tour. Susunduin ko siya. Wanna come?" tanong ko sa kanya at hindi pinansin ang sinasabi niya.

"I can't I have to look on the site. We're starting the project already. Kailan ka bibisita doon?" siryosong sabi nito.

Sinimulan niya na pala ang project pero hindi ko alam. Pero wala naman kaso sakin 'yun tiwala akong gagawin niya 'yun ng maayos.

"Mas mahalaga ang pagsundo kay Mich kaysa sa project na 'yun" sabi ko rito.

"Ang sabihin mo miss mo lang siya,kaya excited ka na makita siya" tudyo nito.

Yeah I do miss her, but of course I won't tell her that. Nagpatuloy lang ang usapan namin tungkol sa project, maganda daw ang design ko kaya excited na siya sa kalalabasan. Kinukulit niya na din akong pumunta doon dahil ako ang engineer tapos MIA ako.

After ilang oras umalis na din ako para sunduin si Michaella. I really want to see her. I wonder if she change a bit, two weeks din 'yun.

Nang makarating ako sa airport nakapasok din ako agad kung saan bababa ang private plain na sinasakyan ng Love Trick. May passes naman kasi ako, pagdating ko doon nandoon na ang pamilya ko at pamilya ni Mich, maging ang Valeza family. At ang ibang pamilya ng kabanda ni Mich.

Makalipas ang ilang oras dumating na din ang eroplano nila. Naunang bumaba si Frances 'yung batang manager nila may kasabay siyang familiar na lalake pero hindi nila 'yun ka-banda masiglang bumaba ang batang manager nila at agad na lumapit sa magandang babaeng nahihintay sa kanya, tinawag niya itong Hime, matapos no'n pinapunta niya ang babae sa kasama niya. Doon ko lang nakilala ang lalaki, kambal niya pala 'yun at isa itong sikat na modelo - si Francis Fajardo.

Bumaba na din 'yung drummer nila. Pumunta ito sa pamilya niya na kasama na din ngayon ng batang manager nila. Magkasabay na bumaba si James at Mike, kasunod nila ang isa pang babae kung 'di ako nagkakamali siya si Ashley. Nagpunta sila sa kanikaniyang pamilya. Nakita ko pang hinaharot ni Ashley si Mike, si James pinuntahan na si Thine.

Nagsilabasan na din ang mga stuff pero wala pa din si Mich. Matapos ang kahuli-hulihang stuff na lumabas, doon lang siya lumabas. Kasama si Jerome habang nagtatawanan sila, bigla naman akong nawala sa mood. Tinignan ko sila ng masama.

It's a LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon