JEROME POV -
Napagdisisyunan ng banda na magpahinga muna ng isang araw bago ang paghahanda. Balak kong ayain si Michaella na lumabas. Date.
Pero hindi ko pa alam kung saang lugar ko siya dadalin. Ngayon ko na sisimulan ang panliligaw ko sa kanya, Gagawin ko lahat para mahalin niya ko.
I really like her a lot. Kaya naman ngayon alam ko nang hindi naman pala talaga nila mahal ang isa't isa, hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito.
"Good morning" nakangiting bati ko kay Mich. Kalalabas lang nito sa kuwarto niya tanghali na ito nagising. Kanina pa nga nakaalis 'yung tatlo eh.
"G-good morning" ramdam ko ang awkwardness sa pananalita nito. Hindi pa siguro siya sanay na may nakakaalam na ng tungkol sa kanila ni Joshua.
Nagdiretso ito ng banyo. Kaya nagpunta ako sa kusina para ipaghanda siya ng makakain niya. Kumain na ko kanina kaya naman siya lang ang pinaghain ko.
"Ngayon ka pa lang din kakain? Kakagising mo lang din ba?" tanong nito at sabay sulyap sa wall clock na nasa kusina. Past nine na kasi.
"Kanina pa ko gising at kanina pa rin ako nakakain, para sayo 'to" nakangiting sagot ko.
"Naku! Hindi ka na dapat nag-abala pa kaya ko namang maghanda ng kakainin ko" wika nito,
"Ok lang. Gusto kong gawin 'to" tugon ko. At pinaghila ko siya ng upuan para makaupo na.
"Salamat" sabi nito.
Tinitigan ko lang siya habang kumakain. Napatingin din ito sakin na parang naiilang.
"Ah- eh-- ano kasi Rome. Hindi ako sanay na may nanonood saking kumain eh. Nakakailang" nahihiyang wika nito.
"Pasensya na" pagpapaumanhin ko. Nagtungo na lang ako sa counter para magtimpla ng kape ko. Nahiya rin kasi ako sa ginawa ko.
Sinamahan ko siya sa dinning, kumakain siya at ako naman umiinom ng kape.
Matapos nitong kumain akmang lilinisin na niya ang hapag pero inawat ko siya. At ako ang gumawa ng dapat gagawin niya. Part 'to ng pang liligaw ko!
Magkasama kaming nanood ng tv pampalipas ng oras. Tuwing may aabutin siya o kukunin pinapaupo ko siya at ako na ang gagawa. Tinuturing ko siyang prinsesa. Gusto kong maramdaman niyasng nililigawan ko siya kahit hindi ko sabihin.
Nang maglulunch time na. Tinanung ko siya kung ano ang gusto niyang kainin. Pero agad itong tumayo at tumungo sa kusina.
"Wait I'll just cook first" sabi ni Mich. Pero inawat ko siya at nagprisinta akong magluluto. Pero pinigilan din niya ko at tinitigan. Parang may gusto din itong sabihin.
BINABASA MO ANG
It's a LOVE CONTRACT
Romance"Dream plus Money times Married equals LOVE CONTRACT" - 'yan ang equation ng buhay nang dalawang magkababata na may kani-kaniyang mithiin. Si Michaella - na gusto maging isang sikat na singer. Si Joshua - na hindi maiawan ang larong basketball at gu...