Chapter 33 - Please Don't Hate Me

42 1 0
                                    

JOSH POV -

It's been a month since I got here from New York. And it's been a month since Mich become so stubborn.

Minsan nga napipikon na ko sa mga hirit niya. She keep pushing me away without even a reason. And like what she said we were back to square one, back from pretending. Ang masaklap pa nito kumonti na lang ang audience namin, since alam na ng mga kabanda at kaibigan ni Mich ang tungkol samin hindi na namin kailang magpanggap pa sa harapan nila.

And I hate it! Dahil ayaw ko talagang maging ganito kami ulit, lalo pa't umaaligid si Jerome. Hindi ko naman sinadya na hindi siya kausapin ng tatlong buwan. Bukod sa hindi ko alam kung paanong approach ang gagawin ko sa kanya naging busy din ako sa New York, nahirapan na kasi kaming itrack ang hayop na nagnakaw sa company. Sino ba namang mag-aakalang sa China pala siya mamamalagi.

Isang buwan lang sana ang stay ko doon pero dahil nga natagalan kami sa paghahanap sa kanya napilitan akong mag-extend. Isa pa kailangan kong siguraduhing hindi mawawala yung client namin dahil sa nangyaring delay, ang laki kasi ng kinulang na materyales sa ginagagwang building dahil nga binulsa ng engineer yung perang pambili sana ng materials.

Galit na galit talaga si Mr. Smiths sa nangyari, buti na lang nagawa siyang mapakiusapan. 'Yun nga lang kinailangan tuloy ulit maglabas ng pera ng kumpanya para sa materials na kailangan. Mabuti na lang talaga at nahuli 'yung engineer na 'yun para naman may chance maibalik ang pera. Kasalukuyan din ngayong nasa korte ang kaso niya.

Hindi ko din naman kagustuhan na umalis ng araw na iyon. Lalo pa't galit si Mich sa akin. Kaso wala naman akong choice. Hindi puwedeng umalis ng bansa ngayon si Dad dahil sa nagsisimula pa lang ang company nila ng Dad ni Mich kaya hands on pa ang mga ito. Isa pa minsan lang naman manghingi ng pabor si kuya sa akin kaya nakakahiyang tumanggi.

<>

"Hey Josh!" nagulat naman ako sa sumigaw na si Mich mula sa hagdan, kasalukuyan kasi akong nasa sala ngayon. "Wala ka bang balak buksan ang pinto na 'yan? Kanina pa tunog ng tunog yang doorbell!" Pagalit na turan nito.

Ang tagal ko sigurong idle para hindi mapansin ang tunog ng doorbell. Hindi ko na lang sinagot si Mich, tumayo na lang ako upang buksan ang pintuan.

"Grabe ka Josue! Ang tagal mong magbukas ng pinto!" Salubong ni Kara mula sa kabilang bahagi ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at piniling hindi pansinin ang kumento niya.

"Ano pa? Edi dinadalaw ka! Ako na lang yung pupunta dito, nakakahiya naman kasi sayo hindi mo na magawang dalawin 'yung... Oww... Hi Mich." Wika nito hindi niya na nagawang kompletuhin ang sasabihin niya.

Nilingon ko naman ang lugar kung saan nakatingin si Kara. Nasa likod ko na pala si Michaella.

"Hintayin mo ako dito mag-bibihis lang ako." Tugon ko kay Kara at hinila ko siya papasok sa sala.

Hindi ko na siya hinintay sumagot at nagtungo na ako sa kuwarto ko at mabilis na nagbihis.

Paglabas ko ng pintuan nakita ko na nasa labas si Mich ng kuwarto ko.

"At saan mo na namang balak pumunta?" Pataray na wika nito. "Baka nakakalimutan mo kung anong araw ngayon? Inimbitahan tayo ng mama mo na mag-dinner sakinila." Taas kilay na sabi niya.

"I know, I know, uuwi ako bago magsix." Nagmamadaling tugon ko.

Nang makalabas kami ni Kara, agad ko siyang kinausap.

"Pasaway ka talaga, muntik ka na tuloy marinig ni Mich! Dapat kasi nagtext ka na lang sakin." Sermon ko rito.

"Pasensya na po." Sagot niya. Umiling na lang ako at pareho kaming sumakay sa kani-kaniya naming sasakyan. Nagkita na lang kaming dalawa sa site.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's a LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon