MICH POV -
Medyo kinakabahan ako ngayon. Ilang oras na lang sasabak na kami sa battle. Kami pa ang unang tutugtog kaya naman mas lalo pang nakakadag-dag ng kaba.
Nandito ako ngayon sa lobby ng hotel inaantay ko sila Josh na dumating. Kasama niya ang parents niya at ang parents ko, manonood sila ng live para sumuporta.
"Anak! Good luck mamaya huh! Alam kong kayang kaya mo 'yan" salubong na bati ni mommy saakin. Niyakap niya ako agad nung makita niya ko sa lobby. Ganun din ang ginawa ni Dad at mga magulang ni Josh. They all wishes me good luck.
"Hey good luck" sabi ni Josh. Binigyan niya pa ko ng ngiti. Isang matamis na ngiti na walang halong ka plastikan...
Lalo akong kinabahan! Mas mabilis ang tibok ng puso ko ngayon kaysa kanina. Nakaramdam na lang ako ng biglang pagkamiss sa kanya.
Urgh! Ano ba yun? Kung ano ano na ang naiisip ko.
Niyakap niya ko at hinagkan sa pisngi.
"I miss you" wala sa sariling sabi ko.
Oh God what's happening to me now? Hindi naman ako ganito sa kanya huh?
"I miss you more" sabi nito at hinalikan ako sa noo. Ewan ko kung anong meron. Pero bakit parang natutuwa ako. Hindi naman kasi siya sweet sakin ng ganito. No'ng huling kita nga namin parang hindi kami magkakilala.
"Oh mga anak mamaya na ang loving loving. Baka gusto mo naman kaming dalhin sa suite niyo Mica?" tanong ni Daddy. Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig.
Of course his sweet! We're with our parent. We have to act like a lovely couple!
Stupid Mich! How could I forgot about the act?
Arte lang 'to Michaella! Huwag ka magpadala...
Sinama ko sila papunta sa suite. Nandoon ang buong banda, kasama si Christine - kapatid ni Jerome, kasama din si Frances - manager namin, at si Ashley - kabatch siya nila Mike. Namataan kong nakatitig si Jerome kay Josh.
Simula kagabi hindi ko na alam kung paano ko pakikitunguhan si Jerome. Mabuti na mga lang at hindi niya ako tinatanong ulit tungkol doon.
Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ni Josh. He's so sweet to me. Lantarang kinikilig ang Mommy ko at ang Mommy ni Josh at si Christine sa ka-sweet-an namin.
BINABASA MO ANG
It's a LOVE CONTRACT
Romance"Dream plus Money times Married equals LOVE CONTRACT" - 'yan ang equation ng buhay nang dalawang magkababata na may kani-kaniyang mithiin. Si Michaella - na gusto maging isang sikat na singer. Si Joshua - na hindi maiawan ang larong basketball at gu...