Chapter 14
I stared at the window as I smelled the good perfume that Veslei gave me. Hindi pa ako nakakadating sa Australia pero inaamoy ko na agad ito. It was so good and perfect. Bigla ko tuloy na-miss ang mga tao na nakasama ko sa sandaling panahon.
I then sighed heavily. Tinago ko na ang perfume sa bag ko dahil pababa na ang chopper ni Dad. As soon as the chopper lands down, agad akong bumaba at sumalubong kaagad sa akin si Dad.
"I missed you so much, Dad!" masaya kong bati sa kanya.
Hinalikan lang ako nito sa pisngi ko at agad din akong giniya papasok sa bahay namin. I really missed this place a lot. Dito ako tumira at dito ako tuluyang lumaki.
"How's your stay in the Philippines?" tanong ni Dad.
I smiled. "It's good, Dad,"
"I remember the days when you told me that you don't want to go to the Philippines, right? Nagbago na ba ang isip mo?"
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
"Oh, I just remember na may na-kwento ka sa akin before na isang lalaki na kinaiinisan mo, pero you two become friends together." sagot niya.
I chuckled. "Oh…"
Pagkatapos ng kaunting kwentuhan namin ni Dad ay pumasok na rin agad ako sa kwarto ko para magpahinga. Kinabukasan, nag shopping lang ako ng mga clothes at nakipag-kita sa mga kaibigan ko.
"We really missed you a lot. Don't go back there again, huh? As you've told us before, the environment there sucks." Marianna told me, one of my friends here in Australia.
Tinawanan ko lang siya.
"Are you planning on going back there again?" Marianna asked again.
I then shrugged. Napatitig ako kalaunan sa kawalan. Pinag iisipan ko pa talaga kung babalik ako roon or dito na talaga ako hanggang tumanda na ako. Well, dito naman talaga ako nakatira. Dito naman talaga ang buhay ko.
But, so many changes have happened while I was in the Philippines. Doon, marami akong na-realize na mga bagay bagay. Habang nandoon ako, mas lalo kong naramdaman na nagma matured lang ako lalo. Habang nandoon ako, habang tinititigan ang mga taong naka paligid sa akin, isang kaisipan ang pumasok sa isip ko.
I'm not alone. The people there never let me feel like I'm lonely, as if I'm out of place with them. But no.
"Why? The last time we asked you if you want to go back to the Philippines, you immediately said no. Now, why did you only shrug?" tanong pa niya.
I then sighed. Those words really hit me hard. Natatandaan ko pa iyong mga panahon na ayaw na ayaw kong bumalik sa lugar na iyon. Pero bakit ngayon… parang nagda dalawang isip ako bigla?
Then maybe, kaya ganoon ang naiisip ko ay dahil may mga special na tao ang nakasama ko kahit sa panandaliang panahon lamang.
I continued my second semester here in Australia. Again, mag aadjust na naman ako pero hindi na ako nahirapan roon. Sadly, tapos na ang eleksyon sa kanila kaya nawalan na ako ng chance.
One month has already passed and I already miss my mom and sister, especially my friends there. Ano na kayang ginagawa nila ngayon?
Madalas ko na lang mahawakan ang phone ko ngayon dahil mas nag focus ako sa pag-aaral ko. Mas lalo lang akong naging competitive when it comes to my grades. Hindi ko na ulit hahayaan na matalo ako ng isang taon.
I suddenly remember Veslei. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? I bet may bago na siyang inaasar.
Sa kaisipang iyon, bigla akong nakaramdam ng pait sa sikmura ko pero agad ko iyong pinawi.
BINABASA MO ANG
Kulayan Natin (Munimuni Series #3)
RomanceMunimuni Series #3 Saffeya Philline Acena is known to be a good leader and a strong and competitive person. Everyone almost envies her for being almost a perfect person. As the obstacles come, her life turns upside down. A man will protect her, a ma...