Chapter 35
"Bakit biglaan kang uuwi, Philline?" takang tanong sa'kin ni Veslei.
Matapos ang ilang araw na vacation kasama sila Veslei, napag desisyunan ko na umuwi muna sa Australia para makasama sandali si Daddy. Alam kong nagtatampo na rin iyon sa'kin.
"Babalik ka naman, 'di ba?" he asked.
I sighed. "Of course, Veslei."
Kaya noong flight ko na, hindi ko inaasahan na si Veslei ang magiging pilot ng airplane na sinasakyan ko. Dapat, magpapasundo ako sa chopper ni Daddy but I want to surprise him kaya hindi ko na sinabi.
While hearing Veslei's voice from the speaker, napangiti na lang ako. I will always be proud of him.
Nagulat nga si daddy nang makita niya akong umuwi bigla sa amin. Agad niya akong niyakap ng mahigpit. Binigay ko agad sa kanya ang regalo ko for him.
"Bakit biglaan, anak? Is there any problem there?"
Umiling ako. "Nothing, Dad. I just miss you so much."
"Did you find him already?"
"Yes, Dad."
"I'm so proud of you," sabay hinalikan niya ang noo ko.
I just gave him a watch dahil paniguradong magugustuhan niya iyon. That watch was a limited edition kaya sobrang mahal no'n. Binili ko lang 'to dito bago ako umuwi sa bahay namin.
"Thank you for being my best dad, Daddy. You were always there to protect me. You always show me how much you love me. Even if our family was so complicated. Thank you for taking care of me. I love you always…" I smiled.
"Why are you saying that as if you're bidding goodbye? Hindi ka na ba babalik dito?"
"If I ever come back here again, dad. That's good news." sabi ko.
Kung gagaling ako mula sa sakit ko, paniguradong makakabalik pa ako rito, which is good news. But if not… then maybe this is the last time I will see my dad.
We just bond with each other. May shoot siya dapat ngayon pero hindi siya sumipot dahil nandito nga raw ako. Sinabi ko din sa kanya na gusto kong ma enjoy ang mga araw na kasama ko siya, kahit sa maikling panahon lang.
Nagpaalam ako sandali kay Dad habang nasa mall kami. Dali dali naman akong pumasok sa banyo para maka suka sa bowl.
Akala ko, normal na suka lang iyon, pero nagulat ako nang makitang puro dugo ang sinuka ko.
Agad akong nagmumog at naghilamos ng sarili ko. Napatingin ako kalaunan sa salamin. I then touched my hair, and again, may nalaglag na namang ilang pirasong buhok roon.
Mas lalo lang lumalala ang kondisyon ko. I need to leave here as soon as possible.
Hindi kalaunan ay bumalik din ako sa amin at iniwanan na roon si Dad. Nang makauwi ako sa bahay, nagulat ako nang nandoon si Jacobe.
"What are you doing here?" I asked.
"Nagkabalikan na ulit kami ni Denise," sagot niya.
"Oh, that's good to know." sabi ko. "Iyon ba ang pinunta mo rito?"
Umiling siya at nilagay ang magkabilang kamay sa bulsa niya.
"Si Veslei…" pabiting sabi niya, kumunot tuloy ang noo ko. "Nakaka-alala na siya,"
Once he said it, agad na namilog ang mga mata ko.
"What? Kailan pa?"
Hindi ko maiwasang maging excited. Nawala lang ako sandali, and pagbalik ko, ito ang bubungad sa akin. Hindi matutumbasan ang saya ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Kulayan Natin (Munimuni Series #3)
RomanceMunimuni Series #3 Saffeya Philline Acena is known to be a good leader and a strong and competitive person. Everyone almost envies her for being almost a perfect person. As the obstacles come, her life turns upside down. A man will protect her, a ma...