Chapter 17
"So, kayong dalawa na talaga ni Veslei?" tanong sa'kin nila Iona.
I simply nodded. Sobrang naging mabilis ang panahon. We're now almost five months in a relationship, kaya lang, ngayon ko lang iyon nasabi kila Iona.
Actually, long distance relationship kaming dalawa ni Veslei. Nasa Australia ako at nag-aaral, samantalang siya ay nasa Pinas. Though, we didn't bother about our distance from each other. Wala din namang oras na hindi kami nagkakausap na dalawa.
"Akala ko ba kapag naging kami ni Veslei, kakain kayo ng kung ano ano?" biro ko sa kanila.
Sabay silang nag-iwas ng tingin sa'kin mula sa video call. Napa-hagalpak na lang ako ng tawa sa naging reaksyon nila.
And I can say that, being with Veslei feels so good and safe. Never niyang pinaramdam sa akin kung gaano kami kalayo sa isa't isa. Parang nagkakausap pa rin kami sa personal, nga lang, through tawag iyon or sa video call.
Actually, this is my first time having a boyfriend. Hindi ko maitatanggi na ganito pala kasaya? Inaamin kong noon, medyo bitter pa ako sa tuwing nakakakita ako ng mga couples, but now, I understand them already.
Iyong tipong, kada gabi at umaga, lagi kang may nakakausap, lagi kang may napagsasabihan ng rants mo at lagi ding may nakikinig sa bawat sinasabi ko. May taong laging magsasabi ng mga matatamis na salita para sa'yo. Na kahit sobrang badtrip ako that time, marinig ko lang ang boses niya, matutuwa na agad ako, mapapangiti na ako, mapapawi ang badtrip sa katawan ko.
And I was so happy to be with him. And I can't wait to meet him again on our vacation.
"Joke lang 'yon, Philline! Naniwala ka naman." sabi nilang tatlo pagkatapos ay sabay na natawa.
I sighed. "I hope na naging masaya kayo para sa'kin,"
"Oo naman! We're very much happy for you and Veslei. Sabihan mo lang kami kung gusto mong pasundan si Veslei sa amin. Alam mo na! Baka kung ano anong ginagawa nito doon. Hindi naman namin siya hahayaan na saktan ka lang!" alalang sabi ni Iona.
Natawa ako. "Ano ba kayo, you don't have to do it, okay? Malaki ang tiwala ko kay Veslei."
"Nako po. E, alam mo naman ang panahon ngayon, hindi ba?" tanong ni Herbert.
Bumuntonghininga ako. "Focus tayo sa positive vibes, okay? Ayoko nang isipin iyan. Veslei will never do it to me, okay? I have a lot of trust in him."
Sa totoo lang, noon, takot ako na magtiwala sa ibang tao. Kagaya na lang nila Iona, takot na takot pa akong pagkatiwalaan sila dahil alam kong sa dulo, bibiguin din naman nila ang tiwala ko. And at the end of the day, I will be alone again.
That was I thought at first, ngayong madami na akong na-realize na mga bagay bagay, natanto kong hindi naman masamang magtiwala. Ang masama, iyong magtiwala ka ng sobra na nawawalan ka na ng tiwala sa sarili mo.
They say, too much is not good.
"Pero kahit na, Philline, babantayan pa din namin si Veslei para sa'yo." sabi ni Lindsay.
Wala na akong nagawa at hinayaan na lang silang tatlo sa desisyon nilang iyon. Wala din naman silang mapapala kung susundan nila si Veslei. I know him, hindi niya magagawa ang mga ginagawa ng ibang lalaki sa girlfriend nila.
How can I be sure? May tiwala ako sa kanya na hinding hindi niya iyon gagawin.
"Sinundan namin si Veslei kanina. Wala naman kaming nakita mas'yado, except doon sa may kasama siyang babae kanina kasama ang mga tropa niya!" sumbong nila Iona sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/258380731-288-k414103.jpg)
BINABASA MO ANG
Kulayan Natin (Munimuni Series #3)
RomansaMunimuni Series #3 Saffeya Philline Acena is known to be a good leader and a strong and competitive person. Everyone almost envies her for being almost a perfect person. As the obstacles come, her life turns upside down. A man will protect her, a ma...