Chapter 5

256 15 44
                                    

Chapter 5



Pagkatapos kong ilista ang pangalan ko para sa mga magpaparticipate sa charity program, agad akong umuwi para mahanda ang mga ipapamigay ko sa mga bata. Si Veslei ang leader para sa magaganap na charity program. It should be me, pero ang majority na maging leader ay si Veslei.

I scoffed. Okay lang naman sa akin. Doon ko lang naman siya palalagpasin. Hindi ko naman siya hahayaang maangatan lang ako ng ganoon ganoon lang.

Kinabukasan, ngayon na ang araw ng charity program namin. I was only wearing a black pants and a white t-shirt na may tatak ng school namin. Pagkapasok ko pa lang sa loob, agad akong sinalubong nila Iona.

May isang table doon kaya agad akong pum'westo. Napatingin ako sa kabilang dako. I saw Veslei with his friends, nandoon sila sa kabilang lamesa na malapit lang sa amin. He's wearing maong pants and a white t-shirt also.

Dala dala ko na ang mga box na may lamang mga luma kong damit at iba pa. Akmang bubuhatin ko na iyon, nang biglang sumingit si Veslei sa pwesto ko.

"Ako na ang magbubuhat," he said.

Inirapan ko siya. "Ako na. I can do it anyways,"

"Ma'syadong mabigat, baka bumagsak ka." sagot nito.

I scoffed at him. "If I said I can do it, I can do it."

Pagkatapos kong sabihin iyon, agad niyang binalik ang box sa lamesa at iginiya pa ito sa akin. Inirapan ko lang siya at inambahan ng suntok pero hindi ko na tinuloy. Kawawa naman siya kung gano'n. Baka mas lalo lang dumami ang mga kasalanan ko sa kanya.

Mayabang kong kinuha ang isang box, lalakad na sana ako nang biglang may nagpatong sa akin ng isa pang box na galing sa ibang student.

Akmang hahakbang na ako nang maibagsak ko ang box dahil sa sobrang kabigatan no'n.

I didn't expect na agad lalapit sa akin si Veslei. Nakalahad pa ang isa niyang kamay sa akin para mapa-ayos ako ng tayo. At dahil mataas ang pride ko, I just stared at his hands and I didn't accept it.

Sa halip, umayos na lang ako ng tayo.

"Sinabi nang hindi mo nga kaya," si Veslei sabay lumapit sa akin.

Tumalikod ako sa kanya. "Kaya ko nga!"

"Halos bumagsak ka na kanina," singhal niya.

"Nagulat lang ako, pero kaya ko naman! Hindi nga sabi 'to mabigat, e."

He shrugged. "Bahala ka,"

Muli ko siyang inirapan. Muli kong kinuha ang box sa ibaba ko. I bit my lower lip nang maramdaman ko ang kabigatan no'n. I then looked at Veslei na kasalukuyan nang tumutulong ng ibang students ngayon.

Kahit na hirap na hirap na ako, nakayanan ko pa rin iyong maitaas sa stage. Kaya lang, bago ako bumaba sa stage, may mga nagbigay pa sa aking ibang student ng isang box na siyang ibababa ko naman. As a mabait na tao, tinanggap ko iyon.

Nga lang, this time, sobrang bigat no'n. Pababa na ako sa hagdan nang maramdaman kong na-out of balance ako. I was about to fall, nang may braso na agad pumulupot sa beywang ko.

I shut my eyes. Nang dahan dahan ko iyong mulatin, I saw that it was Veslei who catch me from falling. Madilim itong nakatitig sa akin.

"Second time…" he slowly said.

Kumunot ang noo ko sa kanya. Mas lalong humigpit ang kapit ko sa braso niya, at mas lalo niya ding hinigpitan ang kapit niya sa beywang ko.

"This is the second time that I will catch you from falling," he whispered under his breath.

Kulayan Natin (Munimuni Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon