Chapter 8

231 12 43
                                    

Chapter 8



"Why are you still following me? Para kang aso d'yan." inis na sabi ko sa kanya.

Kanina pa talaga siya nakasunod at sobrang naiinis na ako. Binigay ko na nga sa kanya kung anong schedule ko, pero hindi pa rin ako tinantanan. Ang sabi pa niya, ihahatid niya raw ako sa unang class ko.

"Just making sure you're safe," sagot nito.

Inirapan ko siya. "Bakit? Sino ka ba? Boyfriend ba kita?"

"Bakit? Kailangan bang maging girlfriend muna kita bago ako maging concerned sa'yo?" he then wiggled his brows.

Sandali akong natameme roon. Hindi ko din alam sa kanya kung bakit nitong mga nakaraang araw, parang pinapakita niya sa akin na concerned siya sa'kin. Parang dati lang, lagi niya akong inaasar.

May kinalaman ba ito sa kaso sa'kin kaya parang pinoprotektahan niya ako ngayon?

Kung iyon nga ang dahilan niya… Suminghap na lang ako. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat.

"Hayaan mo na lang ako na protektahan ka, Philline, please?" tanong niya sa'kin.

Bumuntonghininga ako at hinayaan na lang siyang sundan ako hanggang sa makarating sa first class ko. Nasa kanya ang schedule ko, kaya wala na akong magagawa pa.

Nang matapos ang first class namin, nanlaki ang mga mata ko nang makita sa labas ng pinto si Veslei na mukhang kanina pa ako hinihintay.

"Are you my bodyguard?" inis na tanong ko.

He smirked. "I'm willing to be your bodyguard, Ma'am, just to protect you."

My heart suddenly beat fast again. This is the feeling that I don't want to feel again! Tama na. Enough is enough. Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko.

"Kadiri ka," iyon na lang ang nasabi ko.

He then chuckled. "Let's go to your second class, sasamahan na kita. Sa third class pa tayo magiging mag-kaklase."

"At bakit ako papayag?"

"Kasi bodyguard mo ako?" patanong niyang sagot.

I scoffed. "And when did you become my bodyguard?"

"Kasasabi ko lang kanina," he then shrugged.

"Bahala ka sa buhay mo," inirapan ko na lang siya at nilagpasan na.

Ngumisi lang siya at maya maya ay sinundan na naman ako. Matapos niya akong ihatid sa room ko, agad akong nilapitan ng mga kaklase ko.

"Boyfriend mo? Swerte mo naman!" intriga ng mga kaklase ko sa'kin.

Hindi ko sila pinansin at naupo na lang sa bakanteng upuan.

Malas ko lang dahil kahit isang class, hindi ko kaklase ang mga kaibigan ko. Nang matapos ang second class, umuna na ako sa third class. Saktong pagpasok ko sa room, nandoon si Veslei.

Nakaupo siya sa dulong parte ng upuan, habang sa tabi niya, may bakanteng upuan. Inirapan ko siya nang makitang tinapik niya ang bakanteng upuan na nasa tabi niya. Hindi ko siya pinansin at nilagpasan na lang.

"Philline, dito ka na umupo," pangungulit niya pa.

Suminghap ako. "Ano ba, Veslei? Kanina ka pa, ha!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Is he doing this to annoy me again and again and again? Pwes, hindi na siya nakakatuwa.

Sa halip, umupo ako sa unahang parte ng upuan kung saan may bakante pa roon. Natigilan lang ako nang lumapit na naman siya sa'kin.

Kulayan Natin (Munimuni Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon