Chapter 22
The hardest part in my life was living in the world I was not used to. Sobrang hirap at sobrang nakakapanibago. Hindi naman ito ang nakasanayan kong buhay kaya sobrang naging mahirap para sa akin.
Every night, I was always questioning myself. Why? Why did this happen to me? Why me? Why did I need to suffer like this? Is this the karma of me for being such a spoiled brat before?
Walang gabi na hindi ako umiiyak habang nakahiga sa isang karton lang na nasa sahig. Ibang iba iyon kaysa sa mga kama na nahihigaan ko noon. Kaya sa tuwing gabi, hirap akong makatulog. Dinadaan ko na lang sa iyak ang lahat at pagkagising ko sa umaga, sobra nang namumugto ang mga mata ko.
The world here in prison is so freaking hard. Hindi pa man ako nakaka abot ng ilang taon dito, pero paano pa kaya kapag naka abot na ako ng ilang taon? Kakayanin ko ba? Mabubuhay pa ba ako sa mga panahong iyon?
Kasi sa tingin ko, wala na ako sa mundong dati ay nandoon ako. Iniisip ko na lang na namatay na ako at ito ang parusa sa akin sa lahat ng kasalanang ginawa ko.
Nakakatawa lang isipin na kahit gaano ko sabihin na matapang ako, na hindi ako susuko. Pero anong nangyari sa akin ngayon? Wala na. Sumuko agad ako. Pero hindi ibig sabihin no'n na hindi na ako babangon.
Bumuntonghininga ako habang nakatingin sa kawalan. Ang mga tao sa loob ng selda ay mga tulog na at ako na lang ang natitirang gising. Muli akong napahikbi sa mga naiisip ko.
Ako mismo ang sumira sa buhay ko. Ako mismo ang naging dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Walang ibang sisisihin kundi ako lang.
If only I could turn back the time, babalikan ko iyong 18th birthday ko. Imbes na pumunta sa bar at uminom, sana pala… sa bahay na lang kami nila Iona, baka hindi pa nangyari ang mga bagay na iyon.
It really hurts everytime I'm remembering the day that I was just so happy and fine. Hindi ko naman alam na may kapalit pala ang lahat ng iyon.
And tonight, I realized that I already met my downfall. This. Living in the prison is my downfall.
Nawala lahat ng kinakatakutan ko noon dahil ito lang pala ang kinakatatukan ko. Ang malayo sa mga taong mahal ko, kila Mommy and Denise, at kay Veslei.
"May bisita ka, Philline…"
Agad akong napabangon sa pag-aakalang si Veslei na iyon, pero agad ding napawi ang ngiti ko nang makita kung sino sino ang mga nasa visitor area.
Lahat sila nakatungo lang nang makalapit ako. Bumuntonghininga ako.
"Hi," awkward na bati ko.
Pagkatapos no'n, sabay sabay silang nag-angat ng tingin sa'kin. Lumapit silang tatlo at walang sabi sabing niyakap ako. Magsasalita na sana ako nang maramdaman kong umiiyak sila sa bisig ko.
"I'm sorry, Philline! Ang tanga tanga namin para hindi maniwala sa'yo… hindi kami naging kaibigan sa'yo…" si Iona na sinundan agad ni Lindsay.
"Alam kong galit na galit ka sa amin at malabong patawarin mo kami. Pero, patawad… humihingi kami ng tawad sa'yo. Hindi man babalik ang dati nating friendship, sana… mapatawad mo manlang kami."
"Sa totoo lang, Philline, nagsisisi kami noong mga panahong imbes na damayan ka namin, iniwan ka pa namin. Sobrang sakit no'n para sa'yo, lalo na nang hinatulan ka. Nakakapang sisi na wala kami sa tabi mo noong mga oras na iyon. Nalito lang talaga kami. Hindi namin alam ang gagawin. But one realization hit us. We trust you, and we know that you won't do that thing." paliwanag ni Herbert.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Patatawarin ko? Hindi ko naman sila mapapatawad dahil hindi ako galit sa kanila at hindi ko din hinihingi ang sorry nila.
BINABASA MO ANG
Kulayan Natin (Munimuni Series #3)
RomantiekMunimuni Series #3 Saffeya Philline Acena is known to be a good leader and a strong and competitive person. Everyone almost envies her for being almost a perfect person. As the obstacles come, her life turns upside down. A man will protect her, a ma...