Chapter 37
As the times goes by, mas lalo lang lumalala ang sakit ko. Maya't maya yata ay nasa hospital ako. Na confine pa nga ako for about 3 days. Sinabihan na ako ng doctor ko na kailangan ko na talagang mag prepare for my chemotherapy.
Nag-aalala na ako para kay Veslei. Lagi siyang nasa tabi ko sa tuwing susuka ako, sa tuwing sasakit ang tiyan ko, at sa tuwing sumasakit ang ulo ko.
"Hindi ka ba nagsasawa?" wala sa sariling tanong ko.
Umiling siya. "Paano ako magsasawa sa'yo? Hindi 'yon mangyayari, Philline. Mahal na mahal kita, lagi mo iyong tatandaan."
"Sana hindi mo rin pabayaan ang sarili mo. Kaya ko pa naman…"
Akmang babangon na ako sa kama nang bigla niya akong pinabalik ng higa. Nandito ulit kami sa isla, kauuwi lang namin galing hospital.
"Hindi ko pinapabayaan ang sarili ko, don't worry." he smiled.
"I'm just worried na baka mamaya, gumaling nga ako, pero ikaw naman ang magkasakit."
He sighed. "Don't worry, mahal… hindi ko pababayaan ang sarili ko."
"Paano kung mawala na ako, Veslei?"
Naramdaman kong natigilan siya sa tanong kong iyon. He then let out a heavy sighed.
"Bakit mo tinatanong iyan, Philline?"
Tumikhim ako. "I mean, there's a huge possibility na mamatay ako pagkatapos kong mag-undergo ng chemotherapy."
Natigilan ako nang mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Napapikit ako kalaunan nang mariin. Ang hirap. Sobrang hirap nitong tinatanong ko sa kanya.
"Don't think that, Philline. Gagaling ka. Always remember that."
I sighed. "Pero paano nga kapag mawala na ako? Anong gagawin mo?"
"Wala akong gagawin dahil alam kong hindi iyon mangyayari. I have a trust on Him, at alam kong hindi ka niya pababayaan."
"Thank you for always supporting me, Veslei." dahan dahan kong sinabi sa kanya.
Hinawakan niya ng marahan ang buhok ko at hinalikan ang tungki ng ilong ko.
"Sabi ng doctor ko sa akin, malaki daw ang chance na habang lumalala itong sakit ko, baka magkaroon ako ng memory loss." I sighed.
"Hindi mangyayari 'yon,"
"Sana kahit makalimutan ko man ang pangalan mo kapag nagkataon, nandito ka pa rin sa tabi ko."
"I'll never leave your side, no matter what happens." panatag na sagot niya.
At kahit paano, medyo naging panatag ako sa sagot niya. Sana lang talaga at tuparin niya ang pangako niya sa'kin dahil umaasa ako… umaasa akong hinding hindi niya ako iiwanan.
Napasigaw ako sa sakit nang maramdaman kong parang tinutusok na naman ang tiyan ko. Agad na bumangon sa kama si Veslei at agad akong nilapitan. Marahan niyang hinawakan ang tiyan ko at binigyan ako ng maligamgam na tubig.
Sa sobrang sakit ng tiyan ko, halos maramdaman ko na na malapit na akong mawala sa mundong ito.
Pero nang dahil kay Veslei, sa mga kaibigan ko, at sa pamilya ko, mas nagkakaroon ako ng pag-asa na makakayanan ko.
Sila na lang ang pinanghahawakan ko ngayon. Kung hindi dahil sa kanila, baka matagal na akong sumuko.
"Hindi ko na kaya, Veslei. Ayoko na, sobrang sakit na." humagulgol ako habang hawak ang tiyan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/258380731-288-k414103.jpg)
BINABASA MO ANG
Kulayan Natin (Munimuni Series #3)
RomansaMunimuni Series #3 Saffeya Philline Acena is known to be a good leader and a strong and competitive person. Everyone almost envies her for being almost a perfect person. As the obstacles come, her life turns upside down. A man will protect her, a ma...