Chapter 36

294 13 16
                                    

Chapter 36



It was a dream.

Akala ko, nandito talaga si Veslei pero nagulat ako nang bigla akong bumangon sa kama. Seriously, it was so surreal.

At kung makikita ko man siya dito, hindi ko alam kong anong sasabihin ko. Because, one thing for sure is hindi siya titigil sa kahahanap sa akin. Knowing Veslei, I know he will do it.

Pero sana… kung nabasa nila iyong message ko, huwag na sana nila akong hanapin pa.

Akala ko, makakalimot na ako tungkol kila Veslei, but how can I do it kung lagi sila ang laman ng panaginip ko? Walang araw na hindi ko napapanaginipan ang isa sa mga mahal ko sa buhay.

How can I start my new journey, kung naiwan pa ang puso at isip ko sa kanila?

Pinagsawalang bahala ko na lang ang mga iniisip ko. Normal day ko lang ngayon kaya as usual, mag-isa ako. Parang challenge din ito sa akin dahil walang mall malapit. Sa likod kasi nito ay puro gubat na, sa harap naman ay ang malaking dagat.

Kating kati na akong umalis dito para pumuntang mall manlang, pero ayoko. Natatakot pa din ako sa posibilidad na baka doon, makita ako nila Veslei. And I don't know what to say if I saw one of them again.

Isang linggo simula nang mamuhay ako dito ng payapa. Hindi pa din ako makapaniwala na makakayanan kong maging mag-isa lang dito. Kahit puro hotdog at itlog lang ang kainin ko, ayos na iyon sa'kin dahil iyon lang naman ang alam kong lutuin.

This is a challenge for me, indeed. And I don't regret facing this kind of challenge.

Pumunta ako sa likod ng bahay kung saan nandoon ang gubat. Naisipan ko kasing dumaan lang doon para kumuha ng saging. Mayroon kasi doong maraming puno ng saging.

Nag-gala lang ako sa gubat. Hindi ako makahanap ng may saging kaya halos naka-abot na ako sa bandang gitna ng gubat. Akmang babalik na sana ako nang mapansing hindi ko na matandaan kung saan ako dumaan kanina.

Napapalo ako sa ulo ko. Bakit ngayon pa talaga umatake ang pagiging makakalimutin ko?

Sinubukan kong dumaan sa kaliwang bahagi, pero ang malas lang dahil mas lalo ko lang niligaw ang sarili ko. Doon ko lang din napansin na malapit ng bumaba ang araw.

Suminghap ako. What a worst day.

Hindi ko pa dinala ang phone ko dahil akala ko, hindi ko iyon magagamit. Ngayon tuloy, wala akong flashlight na magamit.

Hindi ko alam kung saan itong daan na tinatahak ko. Nag-umpisa na akong kabahan nang ma realize ko kung anong possible na mangyari sa akin dito sa gubat.

Nag simula na din akong makarinig ng kaunting kaluskos, mga tunog ng ilang hayop na hindi ko makita. Mga tunog ng dahon kaya alam kong baka may papunta sa akin.

I then bit my lower lip. Ang malas ko ngayon. Hinigpitan ko na lang ang kapit ko sa damit ko. Nang makakita ako ng stick sa may damuhan, agad ko iyong kinuha para may panlaban ako kung kanino man.

Naglakad lakad lang ako doon hanggang sa natisod ako sa isang bato kaya bumagsak ako sa damuhan. Malakas na napasigaw ako dahil roon.

I can hear some animals na mukhang papalapit na sa akin. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Sinubukan kong tumayo pero hindi na kaya ng lakas ko. Tulo na din nang tulo ang mga pawis at luha ko.

"Kung sino ka man… lumayo ka sa'kin!" I shouted.

Mas pinikit ko ng mariin ang mga mata ko nang marinig na sobrang lapit na niya sa'kin. Hanggang sa tumigil ang tunog na iyon kaya natigilan din ako.

Kulayan Natin (Munimuni Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon