Chapter 31
"Kahit mag-stay ka lang dito ng another 1 week ulit?" request sa akin ni Tita Bella.
Nandito kami sa hapag-kainan kung saan kasama sila Veslei at Brianna. Nasabi ko kasi kay Tita na baka sa isang araw, uuwi na ako dahil ilang linggo na rin naman ang nakalipas na nagbakasyon ako dito.
"Titignan ko po, Tita…" I then smiled.
"Are you bored here, Philline?" tanong sa'kin ni Veslei kaya napatingin ako sa kanya.
I just shrugged. Awkward na nagbaba na lang ako ng tingin sa kinakain ko. Napansin ko din ang madilim na tingin sa'kin ni Brianna.
"There's a falls here. Might wanna join us later?" he said.
Nakita kong siniko siya ng mahina ni Brianna kaya napatingin sandali roon si Veslei, kalaunan ay napatingin sa'kin.
"Hindi na, Veslei."
"Then stay here. Marami pang ibang pasyalan rito para hindi ka agad ma-bored."
Tumango na lang ako at uminom na lang sa tubig ko. Nang matapos kaming lahat kumain, ako muna ang lumabas sa terrace para magpalamig. Napalingon lang ako sa likod ng makitang may tao roon.
"Bakit na pa bumalik, Philline?"
It was Brianna. Sobrang dilim ng tingin nito sa'kin. Umayos ako ng tayo ko at confident siyang hinarap.
"Bakit?" taas kilay kong tanong.
"Ang saya na namin ni Veslei dito, then sa isang iglap, bigla ka na lang babalik?"
"Why are you scared? Brianna, I already know the truth. Veslei has an amnesia, kaya nakalimutan niya ako at ikaw ang inakala niyang girlfriend niya. Well in fact, matagal na kayong break." I said.
"At ikaw? Girlfriend ka ba niya bago siya nagkaroon ng amnesia? Hindi ba't, ikaw ang may dahilan kung bakit siya na-aksidente? Matapos mo siyang pagtabuyan, bigla ka na lang dadating dito na parang walang nangyari? Na parang hindi mo siya sinaktan!" she shouted.
I then swallowed hard. Hinayaan ko lang siyang maglabas ng sama ng loob sa harapan ko.
"May girlfriend ba na wala sa tabi niya noong mga araw na nagdudusa siya? Sa tuwing sumisigaw siya dahil sumasakit ang ulo niya, sinong nandoon para sa kanya? Ako! Ako lang naman ang laging nandito para sa kanya, kaya wala kang lugar sa kanya." Brianna hissed.
"Kaya ka lang naman pinapansin ngayon ni Veslei ay dahil mayroon siyang amnesia. Pero kung wala…"
"Pero kung wala, ano? Sa tingin mo, pagkatapos ng ginawa mo sa kanya, ikaw pa rin ang mamahalin niya? Sa tingin mo ba, wala lang iyon kay Veslei kaya inaakala mong ikaw pa rin ang mamahalin niya kahit hindi siya nagkaroon ng amnesia? Why are you so confident that Veslei will still love you after all you did to him?" ganti niya.
Natigilan ako roon at natameme bigla.
Why am I so really confident? I'm not even sure kung ako pa rin ang mamahalin niya matapos ng mga ginawa ko sa kanya.
And… Why does it seem like it's all my fault!? Ako lang ba ang may kasalanan? Ako lang ba ang nakagawa ng mali?
Gusto kong matawa kay Brianna. Kung maka-asta siya, akala mo alam niya ang buong nangyari. Akala niya alam niya ang buong pinagdaanan ko at naming dalawa ni Veslei.
Natigilan lang kaming dalawa nang dumating si Veslei sa harapan namin. Agad na bumaba ang tingin niya sa'kin at kumunot ang noo.
"What's going on here?"
BINABASA MO ANG
Kulayan Natin (Munimuni Series #3)
RomanceMunimuni Series #3 Saffeya Philline Acena is known to be a good leader and a strong and competitive person. Everyone almost envies her for being almost a perfect person. As the obstacles come, her life turns upside down. A man will protect her, a ma...