Chapter 18
"Philline, may nakita ka bang maliit na notebook dito? Nasa kwarto ko lang iyon, tapos biglang nawawala…" sabi ni Veslei sa'kin.
Kumunot ang noo ko. Nandito lang ako sa kwarto niya habang sinusuklayan ang buhok ko. Kalalabas niya lang sa banyo dahil kaliligo niya lang.
"What notebook? Wala akong nakikitang ganoon…"
He nodded. "Sige, hahanapin ko lang sa baba."
Nang lumabas siya sandali sa kwarto, napanguso ako. Anong notebook ang tinutukoy niya? Why does it seem so important to him?
Pinilig ko ang ulo ko at sinimulan nang haluglugin ang kwarto niya para mahanap iyong notebook na sinasabi niya. One thing for sure, baka na missed out of place niya lang 'yon.
Binuksan ko ang bawat cabinet, napakunot ang noo ko nang may makita akong isang maliit at malaking notebook. Ito na yata iyong sinasabi ni Veslei?
'My Journal,' Iyon ang nakasulat sa first page ng notebook niya.
Hindi ko na sana papakielamanan pero dahil sa kuryosidad ko, binuksan ko pa din ang binasa ang bawat laman no'n.
'Dear Journal, I'm really shy at first, but I don't wanna be shy anymore. There's this woman who really caught my attention. She's really beautiful, and I didn't expect for her to be that confident. That's why, I think… I kinda like her and her attitude.'
'Dear Journal, Philline saw me at the rooftop while I'm at my worst. I told her what really happened that day. Sinabi niya sa'kin na hiwalayan ko na si Brianna, na siyang ginawa ko naman dahil tama naman talaga ang pinayo niya sa'kin. See that? Who wouldn't like a woman like her?'
'Dear Journal, I won over Philline for the first time, and guess what? I'm happy that I won, but I'm not happy seeing Philline hurting while telling me that she should have won, and not me. I kinda pity her in that part. I want to tell her that it's not my fault that I won over her.'
'Dear Journal, I'm so sorry if I haven't written to you for the past few weeks, something just came up. But these past few weeks, I feel like my days have become faster. I don't think we're still in rivalry. I think me and Philline are now getting closer, but I know my limitations.'
Umawang ang labi ko nang mabasa ang sunod sunod na nakasulat sa journal niya.
He did this? Dati pa… may gusto na talaga siya sa'kin!?
I don't know what to feel pero bigla ko na lang naramdaman na kumabog ang puso ko. Isang tili ang pinakawalan ko. Para na akong naging bulate na nangingisay sa kama.
He did this! Omg, omg, omg! I can't believe he would do such corny things.
But since Veslei made it, it's not corny for me.
Narinig kong bumukas ang pinto at nakita ko ang nag-aalalang mga mata ni Veslei sa'kin. Agad siyang lumapit at hinawakan ang magkabila kong balikat.
"Bakit ka sumigaw? Anong nangyari sa'yo?" alalang tanong niya.
I bit my lower lip, pinipigilan pa din ang sarili ko na hindi kiligin sa mismong harapan niya. But, seeing Veslei again for the first time after I read his journal, hindi na ako mapakali at napasigaw na lang ako ng wala sa oras.
"Hey, what happened? I'm worried…" he slowly said, trying to calm me down.
Bumuntonghininga ako. "Nothing, Veslei. I'm just so happy…"
"Why are you happy?"
Napailing ako. Binigay ko sa kanya ang notebook na kanina pa niya hinahanap.
![](https://img.wattpad.com/cover/258380731-288-k414103.jpg)
BINABASA MO ANG
Kulayan Natin (Munimuni Series #3)
RomanceMunimuni Series #3 Saffeya Philline Acena is known to be a good leader and a strong and competitive person. Everyone almost envies her for being almost a perfect person. As the obstacles come, her life turns upside down. A man will protect her, a ma...