Chapter 2

319 13 29
                                    

Chapter 2



I hate some men especially the sad boy one. I experienced it a lot when I was in Australia. They will try to hit me up, pero kapag binasted ko, ako pa ang sisisihin nila. Ipaparamdam nila sa akin na kasalanan ko pa kung bakit hindi sila pasok sa standards ko.

Well, I'm beautiful. Masama bang maging mataas ang standards ko sa isang lalaki? If I don't like him, why would I push myself to him? Why would I let him court me if I don't like him noong simula pa lang.

"What's his name?" I asked them.

Parehas na namilog ang mata nilang tatlo, mukhang nagulat nang bigla akong magsalita. Nakita ko namang sinundan nila ang tinitignan ko.

"Ah! His name is Sylvester Adlei Sacueza, but some students often call him by his stage name, Veslei." sagot ni Lindsay.

I then nodded.

Nakaramdam lang ako ng kakaiba. As I stared at him, isang kaisipan ang pumasok sa isip ko.

He's my type. Though, wala naman talaga sa isip ko ang pagbo-boyfriend pero na-curious lang naman ako sa lalaking iyon.

He's tall and his body is masculine. Halata mo sa kanya na araw-araw siyang nasa gym. He has a fair skin and a black natural hair. He also had a pointy nose and pinky lips.

"Hindi mo siya kilala? Classmate natin siya sa isang class kanina, ah?" tanong ni Iona.

"Oh? Hindi ko siya napansin kanina…" saad ko.

Herbert chuckled. "Sobrang talino n'yan, as in! Since high school, kaklase ko na iyon. Sobra ngang gifted n'yan, e. Para siyang nag-a-advance reading palagi. Bago pa lang namin tatalakayin iyong lesson pero alam na niya agad."

Iona then nodded, obviously agree with Herbert.

"So true! Sana all nga talaga sa kanya. Ang gwapo na, ang tangkad pa, at ang talino pa! Kaya ang daming babaeng nakaka-darapa d'yan. Para siyang young Leonardo DiCaprio."

Napatango ako at bahagyang tinaas ang isang kilay.

"Interesado ka sa kanya?" kuwit sa akin ni Lindsay.

Umiling ako. "Nope. But I want to know about him."

"Ah. Kung hindi mo naitatanong, he's also a good leader. Baka nga sa susunod na taon, tumakbo siya bilang council President, e." sagot ni Lindsay.

"He's also a good leader?" takang tanong ko.

Tumango si Lindsay. "Oo. Sa pagkaka-alam ko, isa rin siyang leader ng charity program. Magaling siyang mag-lead."

Sa sinabing iyon ni Lindsay, mas lalo akong naging interesado sa kanya.

Seems like I will now have my competence.

I then smirked. Malalamangan na ba ako? Sa Australia, nasanay ako na ako ang laging una at hindi naangatan ng kung sino man. E, ngayon kaya? Ano kayang mangyayari, ngayong nalaman ko nang may katapat na nga ako?

"Philline, friends na ba tayong apat?" takang tanong ni Herbert.

Umiling ako at kinuha ang bag ko para maiwan sila roon sa cafeteria. I heard them call my name but I didn't mind them. Patuloy lang ang lakad ko hanggang sa makarating kami sa next class namin.

And I didn't expect na magiging kaklase ko ang lalaking nakakuha ng atensyon ko.

"So, for the first day of our class, we'll have our first debate. Now, you will all group into two and pick your leader who will speak about the topic that I will be given." our Professor said.

Kulayan Natin (Munimuni Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon